Huminga ng malalim si Jagie at marahang isinara ang kanyang laptop. “Marahil pagod lang ito… tambak na trabaho, tapos mission ko pa. Dagdag pa ang pag-iinarte ng Detective Shara na iyon. Kailangan ko na sigurong mag-relax… ilabas ko na lang ang init ng katawan ko,” bulong niya sa sarili bago mabilis na tumayo at naglakad palabas ng opisina. Paglabas niya ay agad siyang sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan, isang jet-black luxury car na halos bagong bili. Habang hawak-hawak ang cellphone, nagdadalawang-isip pa siya pero hindi na rin nakapigil ang kanyang sarili. Just one text… kahit simpleng kumustahin lang, sabi niya sa isip. “Hi, pauwi ka na ba? Pwede ba kitang sunduin?” mabilis niyang tinype at pinindot ang send. Napatingin si Jagie sa screen, hinihintay ang sagot. Kahit hindi ni

