Chapter 2

1235 Words
Alas – singko ng madaling araw. Tila nilamon ng katahimikan ang kahabaan ng eskinita sa likod ng Avenida. Tanging ilaw mula sa sirang poste at tahol ng asong gala ang naging saksi sa malamig na umagang iyon. “sir, may natagpuang bangkay.” Anang isang pulis sa kanyang radio habang nilalagyan ng yellow tape ang paligid ng babae, suot parin ang parihong pulang mini dress, ngunit duguan ang batok nito, at may piraso ng tissue paper na may nakasulat na mensahe: “linisin ang marurumi.” May mga residente nang nagsisiksikan sa labas ng crime scene, nag-uusap, halos hindi makapaniwala. “Si Monika ‘yon di ba? Yung palaging nakatambay sa ilalim ng poste tuwing gabi?” tanong ng isang ale na nakikiusyoso. “Grabe ang bata pa niya! saka kawawa naman ang mga kapatid nya. Siya pa naman ang inaasahan ng mga nakakabatang kapatid niya,” wika naman ng isa pang kapitbahay. Ilang saglit pa’y dumating ang isang itim na kotse. Bumaba rito ang isang babaeng nakasuot ng leather jacket, dark jeans, at combat boots. Sa unang tingin, mapagkakamalang siyang – artista matangkad, Morena, maikli ang buhok, matalim ang mga mata. Pero ang hawak niyang police ID ang nagpapatunay: Detective Shara Valmores, CIDG. “Anong meron?” malamig niyang tanong sa mga pulis na nandoon. “Bangkay ng babae, Ma’am. Possible na tinamaan sa ulo ng blunt object. Walang CCTV sa area, pero may witness na nasabing narinig nila ang sigaw mga bandang ala – una ng madaling araw. Isa raw ‘tong babaeng nagbebenta ng aliw sa Avenida,” mabilis na sagot ng pulis. Lumapit si Shara sa bangkay. Pinagmasdan niya ang pulang dress, ang posisyon ng katawan, at ang papel sa dibdib nito. “May pattern..?” bulong niya, saka iniabot ang gloved hand upang kunin ang tissue. Inamoy niya ito saglit, at saka inilagay sa evidence bag. Napansin din niyang wala ni isang bakas ng pagnanasa – walang sapilitang hubaran, walang kalmot o sugat ng depensa. “Hindi ito r*ap*. Execution ito: Planned,” Wika ni Lara sa sarili habang pinagmamasdan ang paligid. “Gusto ko ng full autopsy report in 24 hours,” utos niya sa forensic team. “at hanapin niyo lahat ng nakausap ng babaeng ito kagabi. Anong pangalan?” Monica, Ma’am. Monica Serrano,” sagot ng isang pulis. Tumango si Shara. “hanapin ang pamilya, mga kaibigan, regular na customer. At I check niyo ang reports kung may kaparehong kaso nitong mga nakaraang buwan. Habang lumalayo na si Shara mula sa bangkay, muli niyang nilingon ang pulang damit na ngayo’y tinatakpan ng body bag. Isang damdamin ng pagkasuklam at misteryo ang sumingit sa kanyang dibdib. “Isa lang ba siya…. o simula pa lang ito ng serye ng mga paglilinis?” tanong niya sa sarili. Samantalang mula sa madilim na sulok ng kalye, isang pares ng matang nanlilisik ang lihim na nakamasid. Nakasuot ng hoodie habang pinagmamasdan ang kumpulan ng mga taong nakikiusyoso. Maya – maya pa ay mabilis na din itong umalis na tila ba walang nangyari…. “Hanggang sa muling paglilinis…” wika niya sa kanyang sarili habang naglalakad papalayo sa mga taong abala sa pagbibigay ng saloobin sa nakakatakot na krimen. Sa presinto, hawak ni Detective Shara Valmores ang notebook. Diary iyon ni Monica na nakuha niya sa ilalim ng kotson nito. “Kung may pagkakataon lamang sana, hindi ko pipiliin ‘to.” Nakasulat sa unang pahina ng diary ni Monica. Si Monica ay panganay sa limang magkakapatid. Isang ulirang anak na dati ay nangarap na maging isang guro. Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang kanilang ina dahil sa komplikasyon sa panganganak. Naiwan kay Monica ang responsiblidad na buhayin ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay tuluyang nalubog sa bisyong pag inom ng alak. Gabi-gabi itong lasing at madalas na sinasaktan silang magkakapatid kaya naman sa murang edad ay napagpasyahan niyang lumayas at itakas ang kanyang mga kapatid sa mga kamay ng iresponsable at malupit nilang ama. Labing-anim na taong gulang pa lamang siya ng una siyang lumuhod hindi para magdasal, kundi para makatawid sa gutom. Isang lalaking may-edad ang unang nagbigay sa kanya ng limang libo – kapalit ng isang gabi. At mula roon, wala nang atrasan. Bawat gabi sa Avenida ay nakikipagsapalaran siya – hindi lang sa mga lalaki, kundi pati sa sarili. Sa tuwing humaharap siya sa salamin, sinusubukan umano niyang kumbinsihin ang sarili na ang ginagawa niya ay trabaho lamang upang maitawid at maitaguyod ang kanyang mga kapatid at hindi iyon ang kanyang kataohan. Nakasulat din sa diary ni Monica ang kanyang mga pangarap na hindi na kailanman matutupad dahil sa walang awang pagkitil sa kanyang buhay. Nais sana ni Monica na makpag-aral, magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang mga kapatid. At simpleng buhay na hindi kailangang gumamit ng katawan para lang mabuhay. Mga simpleng pangarap na kailanman ay hindi na maisasakatuparan. “Huminto si Lara sa pagbabasa ng diary ni Monica, kakaibang bigat sa dibdib ang kanyang nararamdaman. Magkahalong galit, panghihinayang, at awa ang bumabalot sa kanyang dibdib. Galit, sa walang awang taong kumitil ng buhay ng biktima. At awa para kay Monica na hindi man lamang nabigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay at tuparin ang kanyang mga pangarap. “Alam mo John,” wika niya sa katrabahong forensic officer,” mas mahirap pag biktima rin pala talaga ‘yung tao. Hindi lang katawan ang pinatay sa kanya. Yung pangarap at yung pag-asa na makapagbagong buhay … pinagkait din sa kanya...” Tumango-tango naman ang lalaki bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Shara. “Excuse me po, ma’am handa na po ang autopsy report ng bangkay ng babaeng natagpuan,” wika ng lalaking naka uniforme na pumasok sa opesina tumango naman si Shara bilang tugon. Sa loob ng morgue, malamig at tahimik. Tanging tunog ng papel at mga huni ng fluorescent light ang maririnig habang tinitingnan ni Detective Shara ang bagong labas na dokumento mula sa forensic department. AUTOPSY REPORT Name: MONICA SERRANO Age: 24 Cause of Death: Traumatic Brain Injury due to blunt force trauma Time of Death: Between 1:00AM – 2:00 AM Manner of Death: Homicide Findings: • A single blunt – force to the occipital region (likod ng ulo), possibly with a hard-cylindrical object • No signs of forced penetration or struggle. • No defensive wounds on arms or hands. • Fingernail clean beneath. Additional Notes: • Written note found on tissue paper places on the victim’s chest: “Linisin ang marurumi.” • No signs of robbery. All belongings intact, including money and cellphone (though screen shattered upon impact with the ground) Mataman ang pagbasa ni Shara sa report na hawak niya “walang depensa, walang struggle… either kilala niya ang pumatay sa kanya, o hindi siya natakot. Napahawak siya sa maliit na larawan ni Monica – isang ID picture mula sa record ng barangay. Nakangiti si Monica, parang hindi mo aakalain na ganun ang sinapit niya. Napatingin muli si Shara sa report. “Linisin ang marurumi”….. Pinikit ni shara ang kanyang mga mata. “May kakaibang pirma ang pumapatay na ‘to. Metikuloso. May sariling dahilan. Hindi basta galit. Tumayo si Shara, ibinalik ang report sa folder, at tumawag agad sa kanyang team. “Maghanap kayo ng similar cases. Yung may parehong cause of death, parehong mensahe, kahit anong kakaibang pattern. May serial killer tayong hinahabol – at hindi ito basta psycho lang. may sarili siyang moral code.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD