Mabibigat ang mga hakbang ni Detective Shara palabas ng morgue. Kababasa pa lamang niya ng autopsy report – sa bawat linya ng dokumento ay lalong sumisikip ang kanyang dibdib.
Traumatic brain injury.
Ingle blunt force trauma
Walang struggle
Walang laban.
Inilagay ni Shara ang kopya ng report, saka siya sumakay sa kotse, at muling pinaharurot pabalik sa eskinita sa likod ng Avenida – sa lugar kung saan natagpuan ang duguang bangkay ni Monica.
Ngayon ay umaga na. maliwanag na ang paligid, ngunit nananatili padin ang bigat sa hangin – para bang nandoon padin at hindi padin umaalis ang anino ng krimen na naganap doon.
Pagdating ni Shara sa crime scene, ay agad na bumungad sa kanya ang mabaho at malansang dugo bagaman nalinis na ay amoy na amoy padin ang bakas ng malagim na krimen na nangyari doon. Nandoon padin ang yellow tape na nakapalibot sa pinangyarihan ng krimen isang patunay sa trahedyang naganap.
Pumasok si Shara sa loob ng nakapalibot na yellow tape at tumayo sa mismong pinangyarihan ng kriemen kung saan nakita ang wala nang buhay na katawan ni Monica ilang oras lamang ang nakalipas. Tiningnan niya ang bakas ng dugo sa semento na bahagya pang naiwan sa aspaltadong daan.
Pumikit si Shara at nagsimulang alalahanin ang eksatong posisyon ng katawan ni Monica ng makita nila itong wala nang buhay.
Sinubukan din niyang imaginen ang bawat posibling pangyayari sa krimen.
Paikot. Ang anggulo ng tama sa ulo pati na ang direksyon ng pagbagsak.
“Maaring kilala nga ni Monica ang pumatay sa kanya,” wika ni Shara na kinakausap ang sarili.
Maya-maya pa ay tahimik siyang naglakad-lakad sa paligid ng pinangyarihan ng krimen. Nagbabakasakaling may mahahanap siyang kahit anong marka na hindi napansin noong una –maaring gasgas sa pader, marka ng sapatos. Kahit anong maaring makuha niyang ebidensya na maaaring magamit at makatulong sa kanyang embistigasyon.
Sa may damohang bahagi ng eskinita, ay may napansing siya. May isang kung anong bagay na kumislap sa liwanang ng araw. Agad niya itong nilapitan, lumuhod si Shara at pinulot ito gamit ang gloves. Isang maliit na kwentas – manipis, may pendant na maliit na krus. Hindi ito nakita ng mga pulis na nag iimbestiga kanina.
Marahan niyang pinagmasdan ang hawak na kwentas. “Kanino kaya ito? kay Monica ba ito? O sa taongk pumatay sa kanya?” tanong ng isip ni Shara. Maya-maya pa ay inilagay na niya ang kwentas sa dala niyang evidence bag.
Maya-maya ay biglang lumapit sa kanya ang hinihingal na si Inspector Arman. “Ma’am, may bagong development. May isang street vendor ang nagsabi na may nakita siyang lalaki – nakasuot ng hoodie mga alas – dose ng gabi, ayon sa kanya ay paikot-ikot daw ang lalaki dito mismo sa eskinita hindi daw niya binigyan ng pansin dahil akala daw ng vendor ay tambay lang” mahabang pahayag ni Inspector Arman.
Tumango si Shara, habang mataman pading nakatingin sa paligid.
Nakasuot ng hoodie ng madaling araw at palakad-lakad. Ni hindi man lamang nagtangkang tulongan si Monica o hindi man lamang umalis? Napataas ang kilay ni Shara, “May koneksyon. Maaring siya ang pumatay kay Monica.
Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita ang lumang grocery store ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng krimen.
“Pahingi ako ng CCTV footage ng lahat ng camera mula sa alas-onse ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw,” matigas niyang utos.
Habang naglalakad papunta sa kanyang kotse ay isang bagay ang sigurado siya. Nagsisimula pa lamang ang serye ng p*****n. At siguradong hindi pa ito ang huli.
Habang seryosong nakatotok si Shara sa mga documento na nasa kanyang lamesa habang hawak ang tasa ng kape na ngayon ay halos wala nang init. Walang kapagurang sinisiyasat ang mga nakalap nilang mga ebedensya. Umuwi lang siya sa kanyang tiniterhan kanina upang maligo at saglit na umidlip at agad na siyang bumalik sa kanyang opisina upang ipagpatuloy ang kanyang imbestigasyon. Alam niya na hindi pa titigil ang killer kaya duble ang kanyang gingawang pagsisiyasat upang mas madaling maresulba ang krime. Ayaw na niyang may muli na namang mabiktima ang walang pusong halimaw na pumapatay.
Mabilis ang paglipas ng mga oras. dahan dahan nanamang humababa ang takip-silim sa lungsod. Sa kabilang panig ng Avenida, sa isang adandonadong lote na ginawang paradahan ng mga track., maririnig ang mga ungol na nagmumulas sa loob ng isang nakaparadang sasakyan doon.
“Ohhh… Urghh… sige na, hija, ituloy mo na.. h’wag mo na akong bitinin!” daing ng isang lalaking halos mabaliw sa sarap.
“Basta dagdagan mo ang bayad mo sa akin ah?” malandi at puno ng panunuksong sagot ng babae, sinadyang gawing mas kaakit-akit ang tinig upang mas lalo pang painitin at pasabikin ang kanyang katalik.
“o – oo! Ibibigay ko sayo pati na ang pangbili ng gatas ng anak ko, basta paligayahin mo lang ako! sige na miss! H’wag mo na akong paghintayin!” Halos magsumamo na ang lalaki na ngayon ay pawis na pawis at nanginginig sa labis na libog na nararamdaman. Malakas na tawa ang isinukli ng babae. “Ahahaha!” habang mabilis na isinilid ang perang iniabot ng lalaki sa dala niyang maliit na shoulder bag. Habang ang isang kamay ay abala sa pagsisigurong nailagay ang pera sa bag, ang isa naman niyang kamay ay patuloy sa marahang pagmasahe sa matigas na sandata ng lalaking katalik – mainit, malambot ang bawat haplos, sinasalat ang bawat ugat at katigasan. Nang maisilid na ang lahat ng pera, biglang tumayo ang babae at iniangat ang suot na maikling mini dress, kaya’t tumambad ang mabibilog at mapuputing hita ng babae. Nanglalaki naman ang mga mata ng lalaki at halos lumuwa ang dila, hindi maalis ang tingin sa mapanuksong tanawin sa harap niya.
Dahan-dahan habang nakatitig sa lalaking nanginginig sa pananabik, hinubad ng babae ang kanyang manipis na p*anty, marahan, mala-striptease, nilalaro ang garter bago tuluyang ibaba, at inihulog sa sahig na parang walang halaga.
“Ahhhh… come on, baby… come to papa!” halos mabaliw ang lalaki na naglalaway at nakalabas ang dila na pilit inaabot ang babae.
Ngunit mabilis siyang pinigilan ng babae. tinabig ang kanyang kamay at bahagya pang kinagat ang kanyang sariling daliri, habang mapang-akit ang mga tingin na ipinukol sa lalong nanabik na lalaki.
“Wag kang atat!.... ako ang binabayaran dito, ako ang magdadala sayo sa langit. Kaya relax ka lang! “malanding bulong ng babae.
Marahan siyang umupo sa kandungan ng lalaking katalik. Bumabaon ang bawat galaw ng kanyang balakang, Mainit, mabigat, parang pinapahirapan siya. dahan-dahan niyang ipinasok ang matigas na sandata ng lalaki sa kanyang basang-basang perlas.
“Ahhhh…. ohhhh!.. “ unggol ng lalaki habang nanlalaki ang mga mata sa sarap.
“Masarap ba? Gusto mo ba ito?” pabulong ngunit puno ng pagnanasa ang tanong ng babae, kumekendeng habang patuloy ang pagtaas at pagbaba sa ibabaw ng lalaki.
“O – oo! Ahhh!” halos hindi makapagsalita ang lalaki. Dahil sa sarap at libog na kanyang nararamdaman.
Ngunit bigla siyang tinigilan ng babae, hindi muna itinuloy ang ginagawang paglabas-pasok ng kanyang sandata sa lagusan niya. Kinagat ng babae ang kanyang pang-ibabang labi at malanding tumitig.
“Kung ganoon ay ibigay mo na din sa akin ang natitira mo pang pera sa wallet mo,” utos ng babae. kasabay ng marahang pagiling sakto lang upang mas lalong pasabikin ang lalaki.
“Pe… pero… para ‘yon sa pagpapagamot sa aswa ko…” hirap na sagot ng lalaki, habang nanginginig ang katawan.
“Eh di sige!” wika ng babae kasabay ng mabilis na pagtayo.
“Ti.. tika lang! h’wag mo naman akong bitinin!” Pagsusumamo pa ng lalaki na halos maiyak sa frustration.
Ngunit tila bingi ang babae. mabilis itong nagsuot muli ng p*anty at inayos ang mini dress saka nagsimulang mag lagay ng make-up sa mukha. Dahil sa lunod na lunod na ang lalaki sa pagkasabik at libog na nararamdaman ay napiltan ang lalaki na ilabas ang natitira pa niyang pera at agad na iniabot sa babae upang ipagpatuloy ang sarap na natigil.
Muling humalakhak ang babae habang sinisiguro na nakuha ang lahat ng pera. Umupo siyang muli sa kandungan ng lalaki – ngunit hindi para ipagpatuloy ang romansahan. Sa halip, mabilis na kumilos: isang malakas na siko sa sentido ng lalaki, sinundan ng malakas na pagtuhod sa tagiliran.
Nanlambot ang lalaki, nawalan ng malay at bumagsak sa upuan. Samantalang nakangti naman ang babae na isa-isang binalik ang kanyang mga saplot at binilang ang perang nakuha. “Ten Thousand pesos,” bulong niya sa kanyang sarili saka malanding naglakad papalayo sa lugar. Pakendeng-kendeng siyang naglalakad, habang binibigkas ang sikat na kanta ni Andrew E:
“Sa bahay ni Kaka, may taong nakadapa…. Kaya pala nakadapa, naninilip ng palaka…”
Pakanta kanta ang babae habang umaalon ang kanyang balakang, masaya at walang kamalay-malay sa paparating na panganib.
Hindi niya napansin ang lalaking nakaitim na hoodie, nakatago sa lilim ng sirang container van. Nanglilisik ang mga mata nito – puno ng galit, nag-aapoy ang d*bd*b sa pagkamuhi.
Tahimik itong nakamasid, walang ni isang yabag, walang kahit anong senyales na paparating na krimen.
“Sa bahay ni – “
Pak!
Isang malakas na hampas sa ulo ang pumutol sa kanyang kanta. Hindi na nakasigaw pa ang babae. Parang basang damit na bumulagta na lamang ang kanyang katawan sa semento.
Samantalang kalmado naman ang lalaking nakaitim habang kumukuha ng tissue sa kanyang bulsa. Isinulat niya rito ang parihong mensahe.
“Linisin ang marurumi.”
Maingat niyang inilagay sa dibdib ng kanyang biktima ang papel. Walang iniwang fingerprint, walang anumang ebidensya. Wala ding pagmamadali sa kilos niya. Tila siya isang aninong dumaan, ang misteryosong lalaki ay naglaho sa kadiliman – iniwan ang patay na katawan sa malamig na gabi ng lungsod.