Chapter 15

1124 Words

Tinanggal niya ang suot na jacket at maingat itong ipinasok sa kanyang dalang bag. Isinunod din niya ang metal baseball bat na kanina lang ay ginamit niya sa paglilinis. Bago ito tuluyang itabi, nilinis muna niya ito gamit ang tubig na dala-dala niya sa isang mineral water bottle. Nang wala nang bakas ng dugo, pinunasan pa niya ito ng damit ng lalaking ngayo’y nakahandusay at wala pa ring malay. Walang pag-aalinlangang inihaplos niya ang telang iyon sa metal—tila ba hindi iyon kasuotan kundi basahan lamang. Walang kahit kaunting kaba sa kanyang kilos. Tila isa lamang itong ordinaryong araw para sa kanya. Isang karaniwang gabi ng trabaho. Muli niyang isinara ang bag at marahang lumakad patungo sa lugar kung saan niya itinago ang kanyang motorsiklo—sa likod ng isang makapal na puno. Nang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD