Sa likod ng malaking puno ng akasya ay doon nagkubli si Jagie. Maliban sa punong iyon, napapalibutan din ang lugar ng matataas na damo kaya’t mabilis niyang naitagong mabuti ang kanyang dalang motorsiklo at pati na rin ang kanyang sarili. Matiyaga siyang naghintay. Pabor na pabor sa kanya ang kanyang pwesto—tagong-tago pero tanaw na tanaw niya ang mga dumadaang mga sasakyan. Ilang kotse na din ang mga dumaan nang sa wakas ay nasilayan na din niya na paparating ang sasakyan ni Carla. Akmang lalabas na sana siya sa kanyang pinagtataguan, ngunit napansin niyang may isa pang sasakyan na paparating kasunod ng sasakyan ni Carla. “Puta!” mura niya sa kanyang isip. Hindi siya maaaring lumabas. Dahil mataas ang tiyansang mapahamak siya kung gagalaw siya ngayon. Ngunit hindi siya pinanghinaa

