Chapter 33

1195 Words

“Magandang umaga po, Sir,” sunod-sunod na pagbati ng mga empleyado kay Jagie habang dumaraan siya sa hallway ng kanyang kumpanya. Bahagya pa silang yumuyuko bilang tanda ng paggalang sa kanilang amo. Gayunman, tila ba bingi si Jagie sa mga pagbating iyon ng kanyang mga empleyado. Diretso lang siya sa kanyang paglalakad—nakataas ang noo, seryoso ang mukha, at walang kahit anong emosyon. Ang bawat empleyadong masalubong niya ay kusang tumatabi, nagbibigay-daan na parang isang makapangyarihang hari ang naglalakad. Walang usap-usapan na maririnig, walang tawanan—tahimik ang buong paligid. Tanging ang marahang tunog ng kanyang mamahaling sapatos ang naririnig. Nang makarating siya sa kanyang personal na elevator, na tanging siya lamang ang maaaring gumamit, dumiretso siya rito. At nang tuluyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD