Paglabas ng opisina ay masayang nagtatawanan sina Shara at ang kanyang mga katrabaho. Ang kaninang mabigat na dinadala niya sa kanyang dibdib ay napalitan ng determinasyon at pag-asa dahil sa suporta ng kaniyang mga kasama. Ngayon ay alam niyang hindi siya nag-iisa—may mga taong naniniwala at handang tumulong sa kanya upang malutas ang kaso at mahuli ang kriminal. “I have a strong and dedicated team, kaya hindi ako dapat pinanghihinaan ng loob. Tama si Chief Ortega—hindi ko dapat sinusukuan ang kasong ito. Madami na akong naipanalong kaso, at tulad sa mga naunang hinawakan ko, malulutas ko rin ito. Mahuhuli ko ang The Cleaner na ‘yan at ako mismo ang magdadala sa kanya sa kulungan!” buong determinasyong wika ni Shara saka kumaway sa kanilang butihing Chief. Nakangiti namang tumango si Chi

