Huminga ng muna ng malalim si Shara bago siya dahan-dahang kumatok sa pinto ng opisina ni Chief Ortega Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib, tila ba may bumabagabag sa kanyang loob. Marahan niyang pinihit ang doorknob at pumasok. Naabutan niyang abala si Chief Ortega at nakayuko habang binabasa ang ilang papeles sa kanyang mesa. “Maaari ko po ba kayong makausap?” mahinang tanong ni Shara. Agad namang nag-angat ng mukha ang kanilang butihing chief at ngumiti. Tumango ito at itinuro ang upuan sa harap ng kanyang mesa. “Oh, Shara. Kumusta? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?” tanong ni Chief Ortega sa dalaga habang nakangiti. Tumango si Shara saka huminga ng malalim. Tila ba humuhugot siya ng lakas ng loob mula sa kaibuturan ng kanyang puso. “si… sir… may… may sasabihin po sana ako sa

