Tanghali na nang bumaba si Jagie mula sa kanyang silid. Tanghali na rin kasi siyang nagising. Gaya ni Detective Shara, umaga na rin siya nakatulog dahil sa dami ng iniisip. Sa kabila ng pagod, dala niya ang ngiti—ngiting may halo ng pagtatago, ng lihim, at ng masalimuot na plano. “Oh, anak! Buti naman at gising ka na. Umupo ka na diyan at iinitin ko lang saglit ang ulam mo. Ipagtitimpla na rin kita ng kape,” masayang bungad ni Manang Lydia, ang matandang tagasilbi ni Jagie na halos itinuturing na niyang ina. Ngumiti si Jagie at tumango. “Salamat, Manang,” sagot niya habang umupo sa paborito niyang upuan sa malaking hapag-kainan. Habang abala si Manang sa paghahanda ng pagkain, patuloy itong nagkuwento. “Nako, anak! Napanood ko sa TV kung paanong ipinagtanggol mo ang magandang pulis na ‘

