“We’re here,” mahinang wika ni Jagie, saka mabilis na bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Shara. “Salamat… go… good morning… good night?” sagot ni Shara, halatang litong-lito at hindi alam kung ano ang sasabihin. Mabilis siyang tumalikod at dire-diretsong pumasok sa gate ng kanyang bahay. Mabilis niyang isinara ang gate at nagmadaling binuksan ang pinto, pumasok ng bahay na animo’y may humahabol sa kanya. Pagkasara ng pinto ay napasandal siya nang nakatalikod, nakalapat ang buong likod sa malamig na kahoy. Huminga siya ng malalim—napakabilis ng t***k ng kanyang puso at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito. “Hmmmm… ang arte!” sambit ni Jagie habang pinagmamasdan ang bahay ni Shara. “Kitang kita ko naman sa mga kilos mo na gustong-gusto mo ako, nagpa

