LIPAD 6

1460 Words
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maging si Alex ay nabigla sa nangyari. Nang may makita akong palapit sa akin na isang taong ibon na kulay pula ay bigla akong kinabahan. Dahil sa labis na takot ay agad akong nawalan ng balanse sa pagkakalipad. “Alex!” sigaw ko sa kaniyang pangalan nang maramdamang bumulusok ako pababa. “Kierra!” Kitang-kita ng mga mata ko kung paano kumislap ang kaniyang pakpak at pabulusok na lumipad para masagip ako. Naramdaman ko ang malakas na impact nang pagkayakap niya sa akin pero balewala iyon sa akin. Mabilis kong ipinulupot ang aking dalawang braso sa kaniyang leeg. Kabadong yumakap ako sa kaniya. Hindi ko na alam kung nakailang lunok ako ng aking sariling laway. Hindi naman ako takot sa mataas na lugar pero iba na pala kapag nasa alapaap ka na. Napapikit ako nang mariin at pilit na inaayos ang aking sarili. Maraming bagay talaga ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang mga magulang ko, ang mga kaibigan kong hindi pala talaga tao at ang katauhan ko. Nahihirapan akong intindihin ang mga nangyayari sa paligid ko. “Kierra!” sigaw ni Alex dahilan para mapamulat ako. Mabilis siyang umikot sa ere. Nang bumaling ako sa aming likuran ay nakita ko ang isang lalaki na medyo pamilyar sa akin ang hitsura. Kung hindi ako nagkakamali ay sa El Damien din ito nag-aaral at isa sa mga miyembro ng basketball team ng eskuwelahan. “Ibalik mo na sa amin si Kierra, Alexus. Amin siya. Siya ang nakatakdang maging aming pinuno. Hindi siya para sa inyo.” Kumunot ang aking noo sa aking narinig. Hindi ko pa man naiintindihan ang nais nitong iparating ay biglang lumiwanag sa aming paligid. Napakurap ako ng dalawang beses nang makitang may biglang lumitaw na sandata sa kamay nito. “Kumapit ka sa akin.” bulong sa akin ni Alex. Ginawa ko naman ang kaniyang utos. Muntik na akong mapatili nang bigla niyang inalis ang isang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Muling lumiwanag ang paligid at gaya ng sa isang Ravena, may lumabas ding sandata sa kaniyang kamay. Nakita ko ang unti-unting pagpalibot sa amin ng mga Ravena. Marami sila at alam kong wala kaming laban. Bumaling ako sa aking likuran at kitang-kita ko ang kanilang mga mat ana may bahid ng kulay itim at pula. Sa pagkakataong iyon ay napabaling ako sa aking pakpak. Kalahating kulay pula at kalahating kulay abo. Anong ibig sabihin nito? “Alexus, ibigay mo na sa amin ang anak ni Haring Dawis. Walang mangyayari sa iyo kung hahayaan mo kaming dalhin siya sa Halconia.” Marahang tumawa si Alex. “At anong mangyayari kay Kierra? Gagawin niyong purong Ravena? Alam ko kung anong binabalak ng inyong pinuno para sa kaniyang apo. Isasalang niya lamang sa iba’t ibang eksperimento ang nag-iisang anak ng namayapang Prinsipe ng mga Ravena. Hindi papayag ang lahi ng mga Mulawin sa kaniyang nais.” puno ng paninindigan na saad ni Alex. “Kung ganoon ay kailangan ka na naming iligpit.” Saad ng isa sa mga Ravena. “Mukhang ikaw ang mamatay ngayon, Eron.” Napabaling ako sa lugar kung saan naroon ang nagsalita. Si Ilah! Sa totoo lang, gustong-gusto ko na siyang makita dahil marami akong tanong na alam kong siya lang ang makakasagot. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya at kumindat siya. Sa kaniyang likuran ay nakita ko si Raven. Raven didn’t even give me a look. Nakabaling ang buong atensiyon nito sa lalaking kausap ni Alex kanina. “Nagkita tayong muli, Helios.” Nakangising saad niya rito. Ngumisi ang Ravena at pinagtaasan siya nito ng kilay. “Kumusta na ang iyong kapatid, Raven?” Biglang nagbago ang hitsura ni Raven sa narinig. “Kung sana hindi siya nangialam sa away namin noon ni Yvez, sana hindi niya dinadala ngayon ang sugat sa kaniyang mukha. Napakaganda pa naman ni Rashia.” Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Raven. Alam kong sa kahit anong pagkakataon ay handa niya nang sugurin si Helios pero agad na hinawakan ni Ilah ang kaniyang kamay. “Wala kayong laban sa amin. Pito kami, samantalang kayo ay apat lang.” “Nagkakamali ka, Eron. Hindi lang kami ni Raven ang dumating para saklolohan ang sugo at ang prinsipe ng mga mulawin.” sagot ni Ilah saka bumaling sa akin at ngumiti. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagaspas ng mga pakpak. Sunod-sunod na dumating ang ilang pang mga Mulawin na may dalang mga sandata. Halos hindi ko mabilang ang mga dumating. Bakas ang pangamba sa hitsura ng mga Ravena. Humarap muli si Ilah sa mga Ravena, particular na kay Helios. “Umalis na kayo ngayon din, kung ayaw niyong hindi na kayo makabalik muli sa Halconia.” Galit ang ekspresyon ng mga Ravena nang bumaling sa amin ni Alex. Alam kong kahit nais nilang makuha ako sa mga Mulawin ay wala silang magagawa sa ngayon dahil hindi nila makakayanan kung makikipaglaban sila para lang makuha ako. Nang makaalis na ang mga ito ay agad na lumipad patungo sa akin si Ilah para alalayan ako. Siya ang umalalay sa akin hanggang makababa kami sa malawak na kagubatan. Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon. Panay ang tingin ko sa aking paligid paglapag namin sa lupa. Napakadilim kasi ng paligid pero nakapagtataka dahil nakikita ko pa rin ang mga kasama ko. Napapitlag ako nang maramdamang may humawak sa aking balikat. Nang bumaling ako sa nasa likuran ko ay nakita ko si Ilah. “Kierra, alam kong biglaan ang lahat. Patawad at ngayon mo lang nalaman ang tungkol sa pagkatao mo. Hindi namin akalain na ganito ang mangyayari.” Aniya habang nakahawak sa kamay ko. Dumating naman si Raven at tumayo sa kaniyang tabi. “Sinubukan naming huwag ipaalam sa iyo dahil iyon ang sa tingin namin ang tama. Ilang beses na rin kaming napagalitan ng aming mga magulang dahil palagi nalang naming ipinagpapaliban ang pagpapaalam sa iyo tungkol sa iyong pagkatao. Pero maniwala ka sa amin, ginawa namin iyon para sa ikabubuti mo, para manatili kang ligtas.” Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa. Marahan akong tumango at saka hinawakan ang kanilang kamay. “Maraming salamat sa pagliligtas sa akin. Marami pa akong tanong sa aking isipan pero ipagpapaliban ko muna. Alam kong kailangan niyo ring magpahinga.” Umiling si Ilah. “Handa kaming sagutin ang iyong mga tanong, Kierra. Kung iyon ang magiging paraan para mapanatag ang iyong kalooban.” Sa pagkakataong iyon ay bigla kong naisip ang aking mga kinalakihang mga magulang. Tumingin ako kay Ilah at mariing hinawakan ang kaniyang kamay. “Ang mga magulang ko.” “Nasa maayos na kalagayan sila, Kierra. Huwag kang mag-aalala dahil nasa pangangalaga sila ng mga tagabantay na Mulawin. Binura ko na rin ang kanilang mga alaala para hindi ka na nila hanapin.” Ang totoo niyan, nalulungkot ako sa mga nangyayari. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang mga mangyayari. “Hindi mo kailangang mag-alala. Palagi kong babantayan ang mga magulang mo.” saad ni Raven. Ngumiti ako sa kaniya at marahang tinapik ang kaniyang balikat. Naglakad ako patungo sa mga Mulawin na gumagawa ng pansamantalang matutuluyan namin sa gabing iyon. Bawat Mulawing madadaanan ko ay marahang yumuyukod sa aking harapan. Ngumingiti lamang ako sa kanila. Nang magsawa ako sa panunuod sa kanilang ginagawa ay naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Alexus. Nananatili pa rin siya sa kaniyang anyo bilang isang taong ibon. “Ang pakpak na nasa likuran ko, kailan ito maglalaho?” tanong ko sa kaniya pagkarating ko sa kaniyang tabi. Bumaling siya sa akin at pinagmasdan ang aking mukha ng ilang sandali. Pagkatapos ay ibinalik din niya ang kaniyang paningin sa mapunong kagubatan. “Pagsikat ng araw, kusang babalik ka sa normal bilang tao.” Napatingin ako sa kaniya. “Ganoon din ba ang nangyayari sa inyo?” Umiling siya. “Sanay na kaming nagpapabalik-balik sa mundo ng tao at sa Avila, ang tirahan ng mga taong ibon na kagaya natin. Kaya nasanay na rin naming kontrolin ang aming kakayahang manatiling taong ibon kahit sikatan kami ng araw. Ngunit dahil ikaw ay baguhan pa lamang, kusang mawawala ang iyong pakpak at babalik ka sa normal kapag tinamaan ka ng sinag ng araw.” Humugot ako ng malalim na hininga saka bumaling na rin sa kakahuyan. Marahil ay marami pa akong kailangang matutunan tungkol sa aking lahing pinagmulan. “Huwag kang masyadong mag-isip. Habang naglalakbay tayo pabalik ng ating tirahan ay ikukuwento namin sa iyo kung ano ang tunay na nangyari sa iyo at iyong tunay na mga magulang.” Ang aking tunay na mga magulang. Nasaan sila? Buhay pa ba sila? Gusto ko silang makita. “Malalim na ang gabi, Kierra. Kailangan mo nang magpahinga.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD