Natahimik naman ang buong konseho at ni isa ay walang naglakas ng loob na magsalita. Inikot ko ang aking paningin at sa bawat miyembro ng konseho na aking pagmamasdan ay napapayuko. “Paano mo nagawa iyon?” gulat na tanong ni Haring Alastor. Bumaling ako sa kaniya at matamang tumitig sa kaniyang mga mata. Nakita ko ang unti-unting paniningkit ng kaniyang mga mata. Wari ba’y tinitingnan niya kung paano mag-alab ang isang bahagi ng aking mata. “Walang sinuman sa kapwa lahi ng Ravena at Mulawin ang may kakayahang gumawa ng ganoong bagay kaya paano mo iyon nagawa?” Bakas sa kaniyang mukha ang kursiyusidad. Hindi lang naman siya ang may nais na makaalam kung paano ko iyon nagagawa, ako rin. “Hindi niyo ba alam?” Sabay-sabay kaming napabaling sa isang matandang Mulawin na naglalakad papa

