Isang marahang tapik sa aking balikat ang nagpagising sa akin sa lalim ng aking pagkakahimbing. Nang magmulat ako ng aking mga mata ay mukha agad ni Alex ang aking nakita. Ngumiti ako sa kaniya at marahang sinapo ng aking palad ang kaniyang pisngi. Nakatitig lang ako sa kaniya sa loob ng ilang minuto. “Hindi yata ako magsasawa na tingnan ang mukha mo.” mahina kong sambit. Napangiti naman siya sa sinabi ko at marahang umusod sa aking tabi para maipulupot niya ang kaniyang braso sa aking beywang. “May nakapagsabi na ba sa’yong ang guwapo mo?” tanong ko sa kaniya. Inilapit niya naman ang kaniyang kamay sa mukha ko at bigla nalang niyang pinisil ang pisngi ko. “Marami nang nakapagsabi sa akin ng bagay na iyan, pero hindi ko akalaing sa’yo lang ako kikiligin.” Dahil sa sinabi niya ay

