Isang gabi sa isang madilim na bahagi ng isang lumang gusali sa kanlurang bahagi ng Chiba, Japan. Napakatahimik ng paligid. Tila isa itong napabayaang gusali sa parteng 'yun. May malaki din itong gate na kulay pula.
May nakabantay na dalawang lalake na may mga hawak na baril. Maingat ang mga ito sa pagbabantay na tila ba may tao sa loob na hindi dapat makatakas.
Dahan dahang nagkamalay si Charmaine. Pakiramdam niya ay napakasakit ng kanyang sikmura. Kakaiba ito sa pananakit na dulot ng nalipasan ng gutom.
Tila may tumama dito na isang malaking bagay o di kaya'y isang malakas na puwersa ang dahilan ng labis na pananakit.
Mag isa siyang nakahiga sa isang kama sa loob ng isang kuwarto. Hindi niya alam kung nasan siya. Dahan dahan siyang bumangon. Muntik na siyang napahiga ulit dahil nahilo siya sa amoy ng paligid; magkahalong amoy ng silid na matagal ng hindi nalilinisan at ng semento ay nagpadagdag pa sa kanyang hindi magandang pakiramdam.
May patay-sinding ilaw sa bandang kanan ng silid na 'yun. May isang lamesa na may nakapatong na iilang piraso ng libro. Pilit niyang inalala ang nangyari. Sapo niya ang kanyang ulo. Maya maya ay nagbalik sa kanyang diwa ang lahat ng nangyari kaya siya napunta sa lugar na ito.
Pauwi na siya ng mga panahong 'yun mula sa school nang biglang may humintong van sa tapat niya at pilit siyang isinakay ng may apat na lalakeng nakasuot ng bonette.
Hindi na niya nakilala ang mga ito sapagkat may sumuntok sa kanyang sikmura kaya siya nawalan ng malay. Nang magising siya ay nandito na siya sa lugar na ito.
Unti unting nakaramdam ng takot si Charmaine. Binaluktot at yakap yakap ang sarili ay huminga siya ng malalim. Nasan ba siya at sino ang mga taong dumukot sa kanya? Nakaramdam siya ng panlalamig ng katawan.
May naririnig siyang ingay sa 'di kalayuan; tila nagmumula sa isang night club. Tumayo siya at sinubukang buksan ang pinto ngunit nakasara ito. Sumigaw siya ng sumigaw ngunit walang nakakarinig sa kanya.
Bumalik siya sa pagkaka upo sa kama. Nakakapagtakang maayos naman ang higaang 'yun. Makalipas ang ilang minuto ay may nagbukas ng pinto. Pumasok ang dalawang lalake na may dalang damit at pagkain.
Nakasunod naman ang isang lalake na tila leader nila. Lumapit ito kay Charmaine. Dali dali siyang sumuksok sa gilid ng kama.
"Who-who-are you?", tanong niya na pilit itinatago ang takot.
Umupo ito sa tabi niya at ngumiti ng isang nakakalokong ngiti.
Dahan dahan nitong hinaplos ang pisngi niya. Muling natakot si Charmaine dahil sa ginawa ng lalake sa kanya.
"Don't come near me.", sabi niya dito na pilit nagpapakatatag. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalakeng ito. Tila nakita na niya ito minsan sa university. Hindi niya lang maalala kung saan.
Biglang tumakbo si Charmaine papunta sa nakabukas na pinto ngunit agad siyang nahuli ng lalake. Hinawakan siya ng mahigpit sa magkabilang kamay.
"You don't know me? Such a pity. I will be your future husband, my dear. My name is Keniji Sato. Remember that my darling.", sabi nito sabay tawa.
"Keniji Sato? Siya 'yung napabalitang mortal na kaaway ni Takeshi."
Pilit na nanlaban si Charmaine upang makawala siya sa mahigpit na pagkakayakap ni Keniji. "Let go of me. Let go."
Hinampas niya ng malakas ang dibdib nito at sinampal ang magkabilang pisngi. Nakita niyang nagdilim ang expression ng mukha nito at halatang napipikon na dahil sa kanyang ginawa.
Nakita niyang itinaas nito ang kanang kamay at sasampalin siya ngunit hindi natuloy. Nalipat ang atensiyon nito sa kuwintas na suot suot niya. Mabilis nitong hinila ang kuwintas at tiningnan ng mabuti. Hindi siya maaring magkamali. Ito ay kuwintas ng Onizuka clan.
"So, Takeshi Onizuka Soryo gave this to you? Are you his woman? No wonder why Aiko really hates you and asked me to kidnap you. You know what, Aiko can be very jealous. She is evil, and she will do everything for Takeshi.", sabi nito sa kanya sabay hawak sa chin niya.
"A-aiko?"
"Yes. That's right."
"Si Aiko Misawa. Ang fiance-to-be ni Takeshi?", napaisip siya.
Nagbalik sa alaala niya ang araw na ibinigay sa kanya ni Takeshi Onizuka Soryo ang kuwintas na 'yun.
***Flashback***
Hinawakan sa kamay ang kuwintas na binigay nito sa kanya noong nakaraang araw lang. Isa 'yung gold plated necklace na may seal ng Onizuka family.
"Please, Charmaine. Come with me. Stay by my side.", Takeshi pleaded.
"I will be fine, Soryo. Don't worry."
"But you are much safer if you live with me. I could easily protect you."
"It's really okay."
"Okay, then. If you insist. Maybe I should give this to you.", he said while taking off the necklace.
"What are you doing? Why are you giving this precious thing to me?", she asked him with much hesitation.
Takeshi puts on the necklace on Charmaine's neck. It was a gold plated necklace with the seal of the Onizuka family, as a pendant.
"Charmaine...this necklace is in replace of me. No matter where you are, please remember that I'm watching over you. People, especially my enemies who will see you wearing this can't hurt you. They will understand that you are my woman and they will not dare to hurt you. Please wear this at all times."
***end of flashback***
Ibinigay ni Keniji ang kuwintas sa dalawang tauhan niya, "Boys, give this gift to Takeshi Onizuka Soryo.", he grinned.
Samantala sa bahay ni Takeshi Onizuka Soryo ay kasalukuyang kausap ni Takeshi ang pinsang si Ryu nang sabihan siya ni Seki na may dumating na tauhan si Keniji Sato. Nagtaka siya.
Nagbigay muna ito ng paggalang sa kanya bago muling nagsalita. "Master Keniji Sato want to give this to you."
Nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Takeshi. Ang ibinigay sa kanya ng tauhan ni Keniji ay ang mismong kuwintas na ibinigay niya kay Charmaine.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Sinuntok niya ng ubod ng lakas ang tauhan ni Keniji. "Where is she?!" If anything happens to Charmaine, even a single strand of her hair. I will kill you all.!!!"
Tinadyakan niya ito kaya natumba itong muli sa sahig. Itinayo naman ito nina Katsu at Seki. Duguan na ang buong mukha nito. Buti nalang at napigilan siya ng pinsang si Ryu.
"If-you want to see your woman alive, come to Master Keniji's bar tonight. Alone."
Agad na hinila nina Katsu at Seki palabas ang tauhan ni Keniji bago pa may magawang mas malala ang kanilang Soryo.
Nagpupuyos sa galit si Takeshi. Agad na kinuha niya ang kanyang samurai sword at aakma na sana umalis.
"Calm down Takeshi. Don't go.", pigil sa kanya ng pinsang si Ryu.
"I will save Charmaine. Get out of my way. This is a command."
"Soryo, don't be stubborn. Please. Don't you see? This is a trap."
"I don't care Ryu. What's the use of me being the Soryo of Onizuka if I can't protect the woman I love."
Dali daling umalis ng mag isa si Takeshi. Sumakay siya sa kotse at pinatakbo 'yun ng napakabilis. Kailangan niyang magmadali upang iligtas ang babaeng pinakamamahal niya. Bago pa mahuli ang lahat.
Nasa loob ng kanyang bar si Keniji. Pinagmamasdan niya ang mga seksing dancer na sumasayaw. Lumapit sa kanya ang isa niyang tauhan. May ibinulong ito na nagpangiti sa kanya.
Dali dali siyang bumaba at pumasok sa isang silid kung saan may naghihintay sa kanya na isang bisita.
"Welcome to my humble abode, Takeshi Onizuka Soryo."
"Where is she?"
"Oh, you're a bit impatient. Let's have a cup of tea first."
"I asked you...where is she?!", sigaw niya sabay labas ng kanyang samurai sword.
Bumukas ang pinto ng silid at nakita niya si Charmaine. Mahigpit ang hawak ng mga tauhan ni Keniji sa kanya. Halata niyang takot na takot na ang dalaga. Pero kailangan niyang mag focus. Kailangan niyang manalo sa labanang ito.
"Takeshi, why are you here? This is a trap. Get out of here please.", pakiusap ni Charmaine kay Takeshi.
Lumapit si Keniji kay Charmaine at pinagtawanan sila. "Ow, what a sweet scene. Just like in the romantic movies."
"If you want her back, let's have a duel. If you win, I will let your woman go.", sabi nito kay Takeshi habang hawak ang magkabilang pisngi ni Charmaine.
"Stop Keniji! How dare you touch my woman!", sigaw niya na nagpupuyos sa galit.
"Okay. Okay."
"...and if I lose?"
"You will pay that with your lives."
Nagsimula silang maglaban gamit ang kani-kanilang espada. Minsan ay natatamaan ni Takeshi si Keniji. Natumba ito sa sahig. Ngunit madalas natamaan ni Keniji si Takeshi. Nasugatan pa niya ito ng dalawang beses sa kanyang braso at tiyan.
Mabuti nalang ay dumating ang pinsang si Ryu at nailigtas sila. Agad namang tumakas si Keniji dahil padating na ang mga pulis. Agad namang umalis sa lugar sina Takeshi. Magiging malaking isyu kapag naabutan pa sila ng mga pulis.
Nakasakay sa isang van sina Takeshi, Ryu, Charmaine at iilang tauhan. Papunta sila sa bahay ni Charmaine upang ihatid ito.
"Seki, go straight to Onizuka's house."
Nagulat ang lahat sa sinabi ng kanilang Soryo. Alam nila ang ibig sabihin nito.
"But...Soryo..."
"I'm commanding you. Drive straight to Onizuka's house. From now on, I will take care of Charmaine.", sabi ni Takeshi habang hinahaplos nito ang likod ng dalaga.
Nagkatinginan sina Ryu at ilang tauhan. Mukhang hindi pa matatapos ang kanilang problema at mukhang magiging malala pa ito.
Nakarating na sila sa bahay ng Onizuka. Nasa assembly hall silang lahat. Hawak ni Takeshi ang kanang balikat na nasugatan kanina sa labanan. Dumudugo 'yun. Nagpatawag siya ng emergency meeting kasama ang iilang elders.
"From now on...this woman, Charmaine Mendoza will stay here as my Okusan (mistress)."
Nagkatinginan sina Ryu at ang mga elders.
"But Soryo, dealing with Keniji is hard enough. If Misawa Soryo knows about this, he will be very furious. His daughter will soon to be your fiance.", pag aalalang sabi sa kanya ng isang elder.
"He's right Takeshi. Maybe we could just---"
"I will take the full responsibility for all these things. I finally made my decision. Charmaine will stay here as my Okusan (mistress). All of you will respect and protect just like what you did to me, your Soryo. Understood?!"
"Yes Soryo..."
Iginiya ni Auntie Ayako si Charmaine sa isang kuwarto. Tinulungan siya nitong maligo at magbihis. Naiilang siya sapagkat hindi siya sanay na may nag aalaga sa kanya. Lumaki kasi siyang independent. Nakasuot siya ng pantulog na kimono.
Nang matapos siyang maligo ay lumabas na sila ng banyo. May nakita siyang higaan. Alam niyang ito ang kuwarto ni Takeshi. Mag isa lang ang higaan. Kahit baguhan pa lang siya sa Japan ay alam niya kung ano ang ibig sabihin ng salitang "okusan"; isang kabit, mistress.
Napaka awkward ng pakiramdam niya. Gusto niyang umalis ngunit alam niyang imposible dahil napakaraming bantay sa labas. Ngayon lang siya nakapasok dito. Napakaganda ng silid kahit tradisyunal ang estilo nito.
Aakma sana siyang lalabas ngunit biglang pumasok si Takeshi. Nakasuot na din ito ng pantulog na kimono. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Nakaramdam siya ng tensiyon sa kanilang pagitan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Huy, Charmaine. Umayos ka nga. Gising. Gising. Huy.", sabi niya sa sarili.
"Whe-where are you going Charmaine?", tanong nito sa kanya sabay sarado ng pinto.
Mas lalo siyang kinabahan. Paano kung may gawin ito sa kanya? Bilang kabayaran sa pagligtas nito sa buhay niya kanina? Paano kung may hingin itong kapalit?
"Ta-takeshi...I can't be your okusan. This isn't right. If Aiko, your fiance-to-be knows about this---"
"Charmaine. This is just to fool the people around us. I'm just doing this to protect you."
"But---"
"Please stay here, Charmaine. Be my okusan.", sabi nito sabay yakap sa kanya.
Nakaramdam ulit siya ng pagkailang. Kahit pa may suot silang kimono ay napaka nipis naman nito. Hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan ang kanyang ulo. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya ng ubod ng lambing.
"Come now. It's getting late. I will tuck my princess to bed."
Naglatag pa sila ng isang mattress . Nilagyan ni Takeshi ng iilang metrong pagitan ang higaan nilang dalawa.
Sinusubukan ni Charmaine na matulog ngunit di niya magawa. First time niyang may makasamang lalake sa loob ng isang kuwarto. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lang ito nangyari.
Siguro ay natutulog na si Takeshi. Paniguradong napagod ito sa naging labanan kanina. Humarap siya sa kinaroroonan nito. Laking gulat niya hindi pa pala ito natutulog. Muling nagtama ang kanilang mga mata.
Ngumiti ito sa kanya, "You can't sleep?"
"Uhm. Yes."
"Maybe because your unfamiliar with this place?"
"Hmmm. Yeah. I guess so. Can I sleep somewhere else in this house? I'm perfectly fine."
"No. I will not allow that. I will never let you out of my sight anymore. Never. Don't worry, I will do anything to you. I'm a real gentleman."
Nakita ni Charmaine na umuungol dahil sa sakit si Takeshi kapag nadadaganan nito ang parte ng kanyang balikat na may sugat. Na guilty tuloy siya.
"I-Im so...sorry."
"Why are you saying sorry?"
"You were hurt because of me. I'm really, really sorry."
"You don't have to, Charmaine. It's all worth it. I love you. You know that, right?"
Napaluha at nangiti si Charmaine sa sinabi nito sa kanya. "Takeshi, what can I do to repay for everything you've done for me?"
"Just you...staying here is more than enough for me, Charmaine."
Hinawakan ni Takeshi ang mukha niya at pinahid ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan.
"From now on, you will stay by my side. I will love you. I will protect you. I will never let you go, Charmaine."
"Thank you..."
"Starting tomorrow, you will fulfill your duties as my okusan."
"My duties?"
"Yes. Don't worry Charmaine. I will be by your side. I will help you, no matter what."
"Okay. I will do my best."
"I know you can do it. I have faith in you. So, you better sleep now. You have a long day tomorrow."
"Good night my princess.", he smiled at her before closing his eyes to sleep.
"Good night, Takeshi."