Birds chirping. The smell of Sakura flowers. The morning air breeze. The sun rays on her face.
Dahan dahang idinilat ni Charmaine ang kanyang mga mata. Nararamdaman niya ang sikat ng araw sa kanyang mukha. Napangiti siya habang naaalala ang naging pag uusap nila ni Takeshi kagabi.
Sa totoo lang ay nahihiya siyang humarap dito. Baka kasi ay gising na ito sa tabi niya at inaabangan lamang ang pag gising niya. Maingat siyang kumilos patagilid sa kinaroroonan nito. Ngunit laking gulat niya na wala na ito sa kanyang tabi.
"Nasan kaya 'yun?," tanong niya sa sarili habang pupungas-pungas.
May nakita naman siyang dalawang imahe na nasa labas ng kuwarto nila. Tila inaabangan ng mga ito ang kanilang pag gising. Dali dali niyang binuksan ang pinto. Ito pala ay sina Auntie Ayako at si Fumiko.
"Ohayōgozaimasu!" bati ng mga ito sa kanya.
"Ohayōgozaimasu, Auntie Ayako and Fumiko. I'm really sorry that I woke up so late.", sabi niya sa mga ito habang inaayos ang kanyang buhok.
"It's alright, Okusan. You should sleep more. We know that you're tired."
"Tired? Ba't ang weird ng smile nila? Hoy, hindi kaya kami nag- ano..."
Ngumiti siya sa mga ito habang papasok ang dalawa sa kanilang silid. Aakma na sana nitong liligpitin ang kanilang higaan ngunit pinigilan sila ni Charmaine.
"Wait, Auntie. Let me do this.", sabi niya hawak ang dulo ng makapal na kumot.
"No, Okusan. It is our duty. You better help Soryo get dressed.", sabi nito sabay ngiti.
"Huh? Help him get dressed?"
"Like, tutulungan ko siya magbihis? As in, ganun? Bakit naman? Kaya naman niyang magbihis mag-isa ah. Hello? Pero, sige na nga. Kaloka 'to."
Nagulat si Charmaine sa narinig niya mula kay Auntie Ayako. Nasa labas siya ng banyo na karugtong lamang ng kanilang kuwarto. Nasa loob si Takeshi at hindi niya alam kung tapos na ba itong maligo o di kaya'y nagbibihis na.
"Charmaine, kalma. Relax, okay? Gagawin mo 'to bilang pasasalamat sa lahat ng kabutihan niya sa'yo. Okay. Breathe in. Breathe out. Wag kang praning.", sabi niya sabay pasok sa loob.
Dahan dahang binuksan ni Charmaine ang pintuan ng banyo. Naabutan niya si Takeshi na nagbibihis na. Lumingon ito at ngumiti nang makita siya.
"Uhm...Auntie Ayako said that I should help you get dressed."
Lumapit ito sa kanya. Nararamdaman ni Charmaine ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napakalapit lang kasi nila sa isa't isa.
"Before this is Katsu and Seki's job but now that I have a wife...it's now your duty as my okusan.", sabi nito habang tinitingnan siya ng malagkit.
"Grabe siya makatitig naman. Kalma, Charmaine. Umayos ka."
Inaayos ni Charmaine ang necktie ni Takeshi nang bigla siya nitong hinapit sa bewang. Nagkalapit ang kanilang mukha. Mas lalo siyang kinabahan. Ang bango bango nito at nakaka-inlove kung magsalita. Tila ba nanlambot ang kanyang mga tuhod.
"Hey, wait. Takeshi...wha-what are you doing?", tanong niya dito habang pinipilit na kumakawala sa kanya.
"I already held you for so many times, yet you're not familiar with it, huh? You're still shy with me?", tanong nito habang tinititigan siya sa mata.
He caressed her hair and face so gently. Pakiramdam ni Charmaine ay mahihimatay na siya at tila ba namumula na ang kanyang pisngi. Pilit niyang kinakalma ang sarili.
"I-it's not that I'm shy when you hold me like this. But I ju-just don't know what to say to you.", she stutters.
"Then tell me you love me, then..."
"Omaygad. Teka lang naman. Hindi ako makahinga. Ang awkward lang. Wait."
Nagkatinginan ulit silang dalawa. Unti unting inilalapit ni Takeshi ang kanyang mukha kay Charmaine. He wanted to kiss her so badly. How he longs for his lips touching hers.
And now is the perfect moment for that to happen.
Magdidikit na sana ang kanilang mga labi nang biglang may magbukas ng pinto ng banyo. It was Ryu, his cousin. Wala kasing lock ang pintuan ng banyo dahil traditional style ito. At magkadikit lang ang kuwarto ng mag pinsan. Kumbaga, iisa lang ang banyo ng dalawa.
Naabutan sila ni Ryu sa ganung posisyon kaya iniinis sila nito.
"Oh no. I'm sorry, Soryo. Did I disturbed you from your romantic bath time, huh?"
Takeshi gave his cousin a displeased look. "Hey, adjust yourself next time.", then he closed the door.
"Hai, Soryo. Wait for that time when I will have a wife. Huh? Wife? Whew. My mouth itches while saying that word. Yikes, wife."
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay nilibot ni Charmaine ang kabuuan ng bahay. Magkahalo ang traditional at modern style nito. Malaki ang kusina at marami itong mga silid na kung saan maaring mag usap habang umiinom ng tea.
Napag desisyunan niyang lumabas ng bahay. Sumalubong sa kanya ang init ng sikat ng araw. Naglalakad siya papunta sa garden at nang makarating siya doon ay nakita niya ang mga tauhan ni Takeshi. Agad namang nagbigay ng paggalang ang mga ito sa kanya sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo sa loob ng ilang segundo.
Masyado siyang naiilang sa mga pagbabago sa buhay niya. Biglaan ang lahat. Kailangan niyang huminga. Pinatay ang kanyang Auntie Elena at Uncle Koji. Na-kidnap siya.
At ngayon ay nandito siya sa bahay ng Onizuka bilang okusan ng kasalukuyang leader nito. Ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari.
Naalala niya ang paalala ng mga kaibigan sa kanya nung nasa Pilipinas pa siya. Na wag na wag siyang makikipaghalubilo sa mga gokudo or yakuza dahil nakakatakot sila. Pero heto ngayon siya't isang okusan ng kanilang leader.
Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang makaalis sa lugar na 'to.
"What are you thinking, Kimi?", nasa likod niya na pala si Takeshi.
"Wha-what did you just call me?"
"Kimi...it is a name used by the men in this town when addressing their wives or sweetheart."
"Ah. Really?"
"And you can call me, 'Anata'..."
"Anata?"
"Yes. It is a term used by the women when addressing their husband."
"Husband...Wife...Nakakaloka 'to."
"What?"
"Nothing, Takeshi."
"Ah, there's one favor that I would like to ask you. Please speak in English when you're with me. You know that my Tagalog vocabulary is limited."
"Okay. I promise."
"Starting tomorrow, someone will teach you our traditional dances, flower arrangements, cooking, tea making, and how the women do the household chores here."
"Do I have to learn all of that?"
"Yes, Charmaine. As my Okusan, you have to."
"Whew, okay. That was a lot."
"Also...I have to confiscate your phone. Just for a while."
"Why?"
"Just for safety purposes, Charmaine. You know that everyone's eyes are on you now. Especially because you're now my okusan."
"But, Takeshi...."
"Don't worry, Kimi. I will return your phone as soon as possible. Just trust me, okay?", he assures Charmaine.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita naman sila ni Ryu.
"Woah. New couples can't get enough of each other that at times you won't feel hungry anymore.", saway nito sa kanila na nakapameymang pa.
"Yes, we are sweet and we really love each other.", sagot nito sa pinsan na may halong pagmamayabang.
"Takeshi, stop it.", namumula si Charmaine.
"Charmaine, always remember that you are my okusan."
"You shameless girl!", may biglang sumigaw sa likod nila. Tinig 'yun ng isang babae at tila napakapamilyar sa kanila.
Bago pa siya makapag react ay sinugod agad siya nito at malakas na sinampal. Nahawakan nito ang buhok niya at sinabunutan siya. Si Aiko pala; ang fiance'-to-be ni Takeshi.
Mabuti na lamang at naawat siya at naihiwalay kay Charmaine. Halatang nasaktan siya at masakit ang bahagi ng kanyang pisngi na nasampal nito.
"Katsu, Seki...bring Okusan inside the house. Don't let anyone hurt her.", utos niya sa kanyang mga tauhan.
Inalalayan naman si Charmaine palayo kay Aiko na ngayon ay galit na galit. Mabilis kasing kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. At mukhang alam na din ng pamilya ni Aiko na dito na nakatira si Charmaine.
Sa dami ba naman ng mga tauhan ng pamilya Misawa ay hindi imposible na hindi agad nila malaman ang mga kaganapan sa bahay ng Onizuka.
"What did you just call her? Okusan?!"
"Don't be rude in this place, Aiko!", he shouted at her.
"Is it not rude for you having another woman here?", si Ichiro Misawa; ang Tatay ni Aiko.
"Misawa Soryo...."
"Enough with the formalities, Takeshi. Tell me, what happened? Why is that woman staying here as your okusan?"
"You're not respecting me as your fiance'-to-be, Takeshi. We are not yet engaged and you have a mistress?!"
"Juro, get Aiko out of here.", Misawa Soryo commanded his underling.
"No, Dad. I'll stay here and listen to Takeshi's explanation.", she protested.
Ryu interrupted them, "Let the two Soryo's talk in private."
Pumasok ang dalawa sa loob upang mag usap. Sumunod sa kanila si Ryu at baka may mangyaring 'di inaasahan. Kailangan niya ding protektahan si Takeshi.
"What is the meaning of this? You are making my family ashamed!"
"My woman was being bullied by Keniji. It is only my duty to protect her."
"Your duty, huh? Then, send her back to the Philippines."
"No, it can't be. Charmaine will stay here as my English and Tagalog tutor, for one year. We are planning to expand our business in her country someday. It is important to learn their language. In your opinion, who will benefit from it in the near future?"
"It will be Misawa...", Ryu answered.
"Huh? If only Riki, your father is alive...the engagement already happened.
"Don't compare me with my father, Uncle Ichiro."
"I promise that Charmaine will only stay here for one year as my okusan. After that, I will let her go."
"Remember your promise, Takeshi. My daughter, Aiko must be your 'okamisan'."
Makalipas ang ilang sandali ang umalis na din sina Misawa Soryo. Mabuti na lamang at nadaan niya ito sa pakiusap at nakaisip agad si Takeshi ng dahilan upang maaaring manatili sa bahay nila si Charmaine.
Ngunit mas kailangan nila mag-ingat sapagkat hindi lang si Keniji Sato ang pwede nilang kaaway kundi pati narin ang buong angkan ni Ichiro Misawa Soryo. Hindi niya hahayaan na may manakit pa sa babaeng pinakamamahal niya. Never again.
Gagawin niya ang lahat para dito. Maging buhay ay ibibigay niya para sa kanya.
"Looks like we should be more careful this time, Takeshi.", Ryu said to him.
"I know, Ryu."
"Hey, you should go and check on your sweetheart. Yesterday, she was kidnapped. Now, she was slapped."
"Yes."
"Hey, save some energy for tonight."
"For what?"
"Okusan's welcome party."
"Alright. Just make sure everything's in place, Ryu."
"Yes, Soryo."