Hanggang sa ngayon ay ramdam pa rin ni Charmaine ang pangangalay ng kanyang mga paa. Napagod siya sa pag aasikaso ng mga bisita kagabi sa kanyang welcome party bilang Okusan ng Soryo ng Onitsuka na si Takeshi.
Ang mga nakakatandang miyembro ng angkan ang nag organize ng event kaya hindi na siya nakapag react.
Sa totoo lang ay ayaw niyang marinig na tinatawag siyang Okusan (second wife ng Soryo) ng mga kasamahan sa bahay ni Takeshi pero wala naman siyang magagawa. Kailangan niyang sumunod at magbigay ng respeto sa kultura at kaugalian ng kanilang angkan.
Nanibago din siya sa pagsuot ng kimono at sapatos. First time niya kasi at hindi pa talaga siya sanay. Bumangon na siya at napansin niyang wala na sa tabi niya si Takeshi.
Agad siyang nagpunta sa loob ng banyo, "Wala siya dito. Nasan kaya 'yun? Umalis kaya? Ang aga naman."
Lalabas na sana siya ngunit naalala niyang kailangan niya munang maligo at mag ayos bago lumabas ng kuwarto. Agad naman niyang ginawa at lumabas na ng silid nila. Nagpunta siya sa dining room at doon niya naabutan sina Ryu at Takeshi na nag-uusap. Binati naman agad siya ng dalawa.
"Good morning, my Kimi.", bati sa kanya ni Takeshi na nakangiti.
"Good morning, Okusan. Wait, what? Hmmm. Did I heard it right? My Kimi? Oh my Soryo. That's too sweet for this morning.", pabirong banat sa kanila ni Ryu.
Sobrang awkwardness ang nararamdaman ngayon ni Charmaine. Pero pinipilit niyang labanan dahil alam niyang kailangan niyang tuparin ang last will ng Tito at Tita niya. She must stay here. Maybe, for now.
"Sit here beside me, my Kimi. Breakfast will be served in awhile."
"Thanks, Takeshi.", agad na siyang umupo. Tahimik siyang kumakain ngunit ang isip niya ay lumilipad sa kung saan. Tulala at tila wala sa sarili. Agad naman 'yung napansin nina Takeshi at Ryu.
"Okusan, are you okay? Okusan?", tanong sa kanya ni Ryu na may pag aalala.
"Huh?"
"Are you okay?"
"Yes, I'm just fine.", sagot niya dito na pinilit ngumiti.
"Kimi, are you really okay? Did you sleep well last night?"
"Yes, of course."
"Okusan, Soryo didn't made you sleep last night, i guess.", nakakalokong tanong ni Ryu sa kanilang dalawa.
"Huh? No. It's...", nabubulol na sagot ni Charmaine. Namumula na yata ang mga pisngi niya. Alam niya naman na biro lang ang mga sinabi ni Ryu pero hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya.
"Hey, Ryu. Stop it.", pagpipigil na sabi ni Takeshi sa pinsan niyang pilyo.
"Alright, Soryo. I have to go. You two, enjoy each other's company, okay?", pabirong sabi nito bago tuluyang umalis.
Naiwan silang dalawa ni Charmaine at Takeshi. Matapos nilang kumain ay nag aya naman ang Soryo na maglakad lakad sila sa garden. Nararamdaman at nakikita ni Charmaine na inaalagaan siya ni Takeshi ng higit pa sa pag aalaga ng isang guardian. Maayos din ang pag trato sa kanya ng mga elders ng angkan niya.
"Soryo, uhm. Can I ask you a favor?"
"Charmaine, just call me Takeshi. Okay?"
"Uhm, alright. If that's what you want."
"Do you need anything, my Kimi?"
Sa totoo lang ay nakakaramdam ng kilig si Charmaine kapag tinatawag siyang "my Kimi" ni Takeshi.
"Can I go to the university today?", pakiusap niya dito.
"Oh, about that. I'm sorry, Kimi. Not now. You can go back to the university tomorrow or the next day.", he answered her.
"Why?", napuno ng katanungan at pag aalala ang isip niya. Two days na kasi siyang absent at alam niyang marami na siyang missed lessons.
"We have to check for your safety first, Kimi. I'm just worried that Keniji Sato will kidnap and hurt you again. Ryu and I must organize your security personnel. From now on, they will serve as your bodyguards while you are going to school and if you're going anywhere.", mabahang paliwanag nito sa kanya.
"What? I will be having bodyguards? Takeshi, that's not really necessary. I will be fine.", nagmakaawa siya dito.
"No, Kimi. I am doing this for your safety. I promised Auntie Elena and Uncle Koji that I will take care of you and I will make you safe."
"But, I am now safe."
"No. Not yet, Charmaine. Who knows what Keniji Sato will do next. We have to be very careful. Please trust me on this, okay?"
Tumango na lamang siya bilang pag sang ayon sa gusto ng Soryo ng Onitsuka, "Okay, Takeshi. I trust you."
Niyakap siya ni Takeshi. Nagulat siya sa ginawa nito ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili.
"My Kimi, I am really sorry that you will have to get through all this. I know you're scared but you don't have to feel that way. You are not alone anymore. I am here for you. Onitsuka will be here for you. I love you. Mahal kita.", sabi nito sa kanya.
Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya na puno ng pagmamahal. Hinaplos nito ang pisngi, ilong hanggang makarating ang mga kamay nito sa kanyang mga labi. Pakiramdam ni Charmaine ay para siyang kandila na unti unting natutunaw nang mga oras na 'yun. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na para na siyang mahihimatay.
Unti unting inilapit ni Takeshi ang kanyang labi sa labi ni Charmaine. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Gusto niyang kumalas ngunit hindi niya magawa. Tila nawawalan siya ng lakas dahil sa yakap nito. Marahil ito na nga siguro ang magiging first kiss niya. Hindi niya akalain na isang leader ng mga yakuza pa ang makakahalik sa kanya sa unang pagkakataon. Pero bahala na. This is it.
Iilang inches nalang sana at mahahalikan na siya ni Takeshi nang biglang sumulpot si Ryu sa likuran nilang dalawa. Parehas silang nagulat at hindi malaman kung ano ang kanilang gagawin. Nakakaloko na naman ang tingin nito sa kanila.
"Ehem, I am really sorry for disturbing the both of you, Soryo and Okusan."
Agad silang nahimasmasan mula sa tensiyon na naramdaman nilang dalawa kani-kanina lang. Buti nalang at dumating si Ryu. Hindi ma imagine ni Charmaine ang pwedeng mangyari sa kanilang dalawa ni Takeshi kapag nagtuloy tuloy 'yun.
Halatang naiinis si Takeshi sa pinsan pero natatawa na lamang siya sa ginawa nito.
"What is it again, Ryu? Do you know that we are talking about something important here?"
"Oh, something important, huh? Let me guess...uhm, is it about the future little Takeshi and little Charmaine? Huh?", sabi nito ng may nakakalokong ngiti.
"No...", sabay nilang sagot dito. Nagkatinginan silang dalawa at nakaramdam ulit ng hiya.
"Wow, you answered in unison? That's amazing, huh? What do you think, my Soryo?"
"Hey, Ryu. Seriously, what is this all about? Are you here to just tease us endlessly?"
"Well...I'm here to inform you that everything's ready for Okusan's training."
Nagtaka si Charmaine, "Takeshi, what training is this all about?"
"Auntie Ayako will train you and she will teach you about our culture. It includes tea making, flower arrangement, traditional dances, and many other things.", paliwanag ni Takeshi sa kanya.
"Do I have to learn all of that?"
"Yes, my Kimi. You are my Okusan. It is your responsibility. Even though we didn't have a formal wedding ceremony, you are still my wife.", he smiled.
"But... I can't learn all these things in one day.", sabi ni Charmaine sabay kamot sa kanyang ulo.
"You didn't have to, Okusan. Just take one step at a time. We understand that your culture is much different from us.", Ryu assured her.
"You can do it, my Kimi. I know you can. I believe in you. Remember that."
"Thanks, Takeshi."
Agad na nagpunta si Charmaine sa silid kung saan siya tinuruan ni Auntie Ayako ng iba't ibang kaalaman. Medyo nahihirapan siya sapagkat ang lahat ay bago sa kanya. Sa tea-making ay medyo nakukuha na niya ang pagtimpla pero hindi pa talaga perpekto.
Habang sa traditional dances ay madali siyang natuto. Isa kasi 'yun sa mga passion niya kahit noong nasa Pilipinas pa lang siya nakatira. Medyo doon siya nahirapan sa flower arrangement. Hindi naman talaga siya mahilig sa ganun kaya eto siya at nangangapa.
Mabuti na lamang at mahaba ang pasensiya ni Auntie Ayako. Magaling din itong magturo. Sinabihan siya nito na huwag susuko sa training at alam naman daw nito na makakaya niya ang lahat. Nagpatuloy ang training nila hanggang gabi.
Matapos ang hapunan ay nagpunta agad siya sa kuwarto nila Takeshi. Naligo na muna siya at pagkatapos ay inayos ang higaan nila. Paglabas niya ng banyo ay napansin niyang wala padin ito.
Lumabas siya ng kuwarto at nakita niya si Takeshi at Ryu na nag uusap. Narinig niya pinag uusapan ng dalawa ngunit hindi na siya nagpakita.
"Ryu, make sure that Charmaine is safe tomorrow at the university."
"Yes, Soryo. I will remind his bodyguards tomorrow morning."
"How many bodyguards will be watching over her safety?"
"Three."
"Okay, that's enough. Tell them to just guard her from the distance so that she will not be uncomfortable and make sure that Aiko will not be able to hurt her."
"Yes, Soryo."
Bumalik na siya sa loob ng silid nila ni Takeshi. Hindi niya akalain na magkakaroon ng malaking plot twist ang buhay niya dito sa Japan. Nagpunta lang siya dito para mag aral at para samahan ang kanyang Auntie at Uncle. Ngunit pinatay ang mga ito at heto siya; isa nang Okusan ng isang leader ng mga yakuza.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Charmaine. Kinabukasan ay magkakaroon na siya ng bodyguards na magbabantay sa kanya sa university. Iniisip niya ang pwedeng sabihin ng mga teachers at classmates niya. Nakatulala siya at hindi napansin ang pagpasok ni Takeshi. Nagulat siya nang bigla itong magsalita sa likuran niya.
"Kimi, are you okay? What are you thinking?", tanong nito sabay tabi sa kanya na nakaupo sa kanilang higaan.
"Huh, nothing..."
Hinawakan ni Takeshi ang kamay niya, "Kimi, if there's anything that's been bothering you, you can always tell me. Don't keep it to yourself, okay?"
"Yes, I will."
"By the way, here's your phone. I'm giving it back to you. My number is already saved there. We also installed a safety feature inside it so that we can easily track you."
"Ah okay, thanks."
"Kimi, I'm sorry if I have to do this. It's for your own good. I hope you don't get upset because of this."
"I understand, Takeshi. I want to thank you for everything that you're doing for me."
They both smiled.
"So, how was your training with Auntie Ayako today?"
"Well, uhm. It was a bit hard, honestly. Sorry about that."
"It's okay. You don't have to be so hard on yourself. Just take your time. Don't rush it."
"Thank you. But I will do my best. Don't worry. I promise."
"I know you will. Let's sleep, my Kimi. I know you are excited to go back to the university tomorrow."
"Takeshi, honestly I'm scared for tomorrow."
"Why, Kimi?"
"I'm sure everyone knows what happened to me these past few days. That I am now living here as your Okusan. I'm just worried of what they will say about you and me. Would this will jeopardize the reputation of your family?", tanong niya dito sabay baba ng tingin.
Iniangat ni Takeshi ang mukha ni Charmaine. He assured her, "You don't have to worry about it, Kimi. No one is allowed to bully the Okusan of Onitsuka Soryo. They must and will treat you with respect just as they respect us. If they will disrespect you, it is as if they are disrespecting me. Because you and I are one. You are my Okusan. You are still my wife."
Nakahiga na sila ni Takeshi ngunit hindi pa makatulog si Charmaine. Paulit ulit niyang naaalala ang mga sinabi sa kanya ni Takeshi kanina. Hindi niya mapigilan ang sarili na wag kiligin. Kakaiba ang naging epekto ng mga salitang 'yun sa kanya. Nakakagaan ng loob at pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng tapang sa puso niya.
Masaya siya sa piling ni Takeshi. Siguro mas dahan dahan niyang palayain ang sarili mula sa takot na nararamdaman niya upang maging daan 'yun na lumigaya siya ng tuluyan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Excited na siya ngunit kinakabahan sa pagbabalik niya sa university bukas. Sabik na siyang makitang muli ang mga kaibigan, classmates at teachers niya. Umaasa siyang magiging maayos ang lahat.