Chapter 60 Hanna Habang sa gitna na kami ng sayawan ni Dexter, kanina hindi maiiwasan na hindi kami pagtinginan ang mga chismosa sa barangay. Subalit wala na akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila. Alas onse ng gabi umuwi na kami ni Dexter. Ayaw niya raw ako mapuyat. "Bakit ang aga ninyong umuwi?" nagtatakang tanong ni Tita sa aming dalawa. "Inaantok na kasi ako, Tita. Isa pa ayaw kong mapuyat si Hanna," sagot ni Dexter kay Tita Emma. Tumango-tango naman si Tita, subalit may panunukso sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Saan po si Angelo, Tita?" tanong pa ni Dexter. "Ayon natulog na sa kwarto ko. Sige, kunin niyo na ang bata at matulog na kayo dahil ako'y inaantok na rin, sagot ni Tita kay Dexter. Pagkapanhik namin sa loob kinuha

