Chapter 61 Hannah Mabilis lumipas ang panahon, oras, araw, buwan, at taon. Third year college na ako at sa susunod na taon ga-graduate na ako. Wala akong naging problema sa pagsasama namin ni Dexter. Minsan may pagkakataon na nagtatalo kami dahil kay Angelo. Ayaw niya kasi na pinapalaro sa putikan ang anak niya. Lalo na kapag nagbakasyon kami sa Heaven City o hindi kaya sa Costa Villa. Eh, gusto ko lang naman kung minsan na ma-explore ang bata, pero mga ilang saglit lang magbabati na rin kami at hihingi siya ng sorry. Wala kaming problema sa pagsasama namin subalit ang ipinangako niyang kasal na pagkatapos ng isang taon namin pagsasama iyon lang ang hindi natupad. Naghihintay lang naman ako na alukin niya subalit hindi niya iyon nagawa, kaya hinayaan ko na lang at naging kontento na

