Chapter 62 Hanna Ang bigat ng pakiramdam ko ng umuwi ako sa Holand. Sa halip na dumiretso ako sa condo unit, sa park ako nagpalipas ng mga ilang oras. Umiiyak ako at ang bigat-bigat ng aking nararamdaman sa pagkawala ng bata sa aking sinapupunan. Hindi ko alam kung paano makipaghaharap sa pamilya ng asawa ko, lalo na kay Dexter. Hindi ko kaya mag-isa ang dalahin ko, kaya naman tinawagan ko si Mama. "Oh, anak! Napatawag ka?" tanong nito sa akin. Pinipigilan ko ang hindi umiyak subalit na pahikbi ako ng marinig ang boses ni Mama. "Mama, pwede mo ba akong puntahan? Nandito ako ngayon sa park, garalgal kong sabi sa kaniya. "Bakit, anak? Ano ba ang nangyari sa'yo? May problema ba? Nag-away ba kayo ni Dexter? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala na tanong ni Mama sa akin. "Hindi po kam

