PAGDATING ni Amanda sa hotel na sinabi nito kay Manang ay agad nagmadali siyang pumasok sa loob at tinawagan muli ang matanda. "Andito na po ba kayo? Nasaang room po kayo?" sunod-sunod na tanong agad nito sakabilang linya. "Oo, hija. Narito na kami sa room 105," sagot naman ni Manang. "Sige po papunta na po ako r'yan," wika ni Amanda, nagmadali itong pumasok sa loob ng elevator at pinutol ang linya. Nang makarating na 'to ay kumatok 'to agad. Pinagbukasan naman siya ni Manong. "Hija, anong nangyari sa 'yo? Bakit mugto ang 'yong mga mata?" Nag-aalalang tanong ni Manong. "Anong nangyari sa 'yo, hija? Magsalita ka? Nagkita na ba kayo?" Pag-aalalang tanong naman ni Manang. Imbes na sagutin ni Amanda ang tanong ng mag-asawa ay agad itong yumapos kay Manang at niyakap niya ng mahigpit an

