MAKALIPAS ang halos dalawang oras na pagmamaneho ni Bryan ay nakarating na 'to ng kanilang kumpanya. Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at nagmadaling naglakad, agad din itong pumasok sa loob. Dumiretso ito sa office ng kanyang kuya, kumatok at agad namang pinag buksan ni Richard. "Hey, what happened?" Bungad na tanong ni Bryan. "I saw, Amanda at the wrong timing. Dahil sa nadatnan niya kaming halos maghalikan ng secretary ko kanina," wika ni Richard na halata sa mukha ang pagsisi at pag-aalala. "Are you drunk?" kunot-noong tanong ni Bryan. "No! Nakainum lang ako, pero hindi ako lasing," sagot ni Richard. "Asan na ang secretary mo? Dapat pinaliwanag mo ng mabuti kay Amanda at iniharap mo ang mukha ng secretary mo, baka ano ang isipin niya at baka hindi na siya muling magpakita pa sa

