PAGKARAAN ng ilang oras na nagpahangin si Richard sa terrace, naisipan na nitong pumasok sa loob ng kanyang silid. Nahiga ito sa kama at tinitigan muli ang larawan ng dalaga, habang hinahaplos nito ng daliri niya ang larawan. "Amanda, asan ka na ba? Mis na mis na kita. Saan ba kita hahagilapin? Ano bang nais mong mangyari? Nais mo bang kalimutan na kita? Sana manlang sinabi mo kung ano ang gusto mo, kasi ibibigay ko naman lahat. Huwag lang ang ganito. Kasi ang sakit-sakit na at gulong-gulo na ako, kung nasaan kaman ngayon sana maligaya ka at sana nasa maayos kang kalagayan, sana dumating ang tamang panahon na mahalin mo rin ako. Kung magkita man tayo sana lang hindi pa huli ang lahat," mga salita ni Richard sa kanyang sarili at tinakpan na lamang nito ng unan ang kanyang mga mata, at h

