Habang nakayakap si Andrew sa dalaga ay hindi namamalayan ni Amanda ang pagpatak ng luha nito. Hindi niya mawari kung ano ang mararamdaman? Dahil alam niyang wala ito sa kaniyang plano at hindi inaasahan. 'Ngunit andito na ito at wala na akong magagawa kung hindi ang panindigan at maging matatag para sa kinabukasan ng magiging anak ko," saad ni Amanda sa kanyang isipan. "Nagulat ka ba?" tanong ng binata. "Hindi ko lang inaasahang na mabubuntis ako, dahil isang beses lang 'yon at malaking pagkakamali ang nangyari sa amin ni Richard. Lalo na't alam ko na panakip butas lamang ako," wika ni Amanda at hindi nito mapigilang pumatak ang mga luha ng nakayuko. "Amanda, Ako. Handa kitang unawain, tanggapin, alagaan ka, kayo ng magiging anak mo. At higit sa lahat kaya kong magpaka-ama sa magigi

