WALANG nagawa si Richard kung hindi ang tumanaw sa himpapawid hanggang sa tuluyan na ngang nawala sa kanyang paningin ang eroplanong sinasakyan ni Amanda. Habang ramdam na ramdam pa rin nito ang sakit at pighati. Sa mga binitiwang salita ni Amanda at iniwan lang siya ng gano'n kadali na para bang wala silang pinagsaluhan at pinagsamahan. Nakita ni Bryan ang kanyang Kuya na nakatanaw sa himpapawid. Kung kaya nilapitan n'ya 'to at hinawakan sa balikat. "Umuwi na tayo, Kuya. Wala na siya. Alam kong masakit pero ginawa mo naman ang lahat ng paraan. Hinabol mo siya at nakausap. Siguro naman sapat na ang ginawa mo para sa kanya," salaysay ni Bryan. "Hindi sapat, Bryan. Dahil hindi ko manlang nasabi na miss na miss ko na siya, gusto kong hawakan ang kamay niya pang habang buhay, hindi ko man

