STELLA POV Nahinto ang aming paghahalikan ng mag bukas ang elevator. Buti at hindi kami nahuling nag hahalikang dalawa. Umarte kami na parang walang nangyari. Lumabas na kami ng elevator at pumunta sa loob ng isang malaking kwarto. Niyakap ko nga kaagad ang sarili ko dahil sa tindi ng lamig sa lugar na ito. Ang lawak ng kwarto at napatingin ako sa table na ang dami ng mga bulaklak. Ang iba ay fresh pa subalit ang iba rin ay halatang nalanta na. Napapatanong tuloy ako sa isipan ko kung ang lahat ng ito ba ay dala ni Sir o mayroon pang ibang mga taong bumisita rito. "Hello sir! Buti at dumalaw po kayo ulit," ang sabi ng nurse na medyo may edad na. Sinarado ni Sir Simon ang pintuan at pumasok siya sa loob. Sinundan ko siya, nilapag niya pa nga ang bulaklak na binili niya sa mesa. Ang gan

