STELLA POV Natawa akong muli sa sinabi ng boyfriend ko. Puno ng kalokohan itong si Joel pero nag pigil ako kaagad ng tawa. "Ewan ko sayo Joel. Yan ang napapala mo sa kakasama mo kay Jonas. Puro kayo kalokohang dalawa, mag pinsan nga talaga kayo eh!" "Sige na ma, wag mo na rin sanang pagalitan pa si Stella kasi natuto lang siyang makisama sa akin. Kinulit ko siya kanina, sinabi ko na iinom kaming dalawa kaya wala na siyang nagawa pa." Pumasok na si tita sa loob at sinarado niya pa ng padabog ang pintuan. Nag tinginan kaming dalawa ni Joel at nag tawanan kami. "Ikaw kasi Joel eh! Sinabihan na kitang wag kang mag iinom, ayan tuloy, nadamay pa ako haha!" "Ano ka ba Stella? Hindi ka ba pa nasanay sa mama ko ha? Ganyan naman talaga ang ugali niya kahit noon pa. Madalas na mag init ang ul

