STELLA POV "Ate Stella naman, hindi ka pa nasanay. Ganito talaga kami mag biruang dalawa ng pinsan ko. At tsaka, hindi naman ako isang babaero. Sa katunayan nga ay may nililigawan na ako ngayon. Isang magandang babae at kasalukuyang nag aaral sa bayan." "Naks! At sino naman itong babae Jonas? Ano ang sumagi sa utak mo at gusto mo na kaagad mag syota ha?" "Hayaan mo na babe, matanda na yang si Jonas at alam na niya ang ginagawa niya. Malay mo ay mapabuti siya doon sa babae!" "Sikreto ko muna kung sino ang nililigawan ko. Eh kasi, nararamdaman ko na medyo matapobre rin ang pamilya noong babae. Mahal ko siya, hinatid ko nga sa school nitong nakaraang araw. Binigyan ko pa nga ng bulaklak eh. Pero basta ha? Wag na wag niyo munang ipagsasabi ang tungkol dito sa kahit na sino kasi ayaw ko na

