STELLA POV Nakita ko siya na pumunta sa kotse sumunod pa rin ako sa kanya, alam kong mabait naman siyang tayo at hindi niya ako itataboy na lang basta basta. Kaunting hakbang pa papalapit at nag salita na siya kaagad. "Stella, pumasok ka na sa loob ng mansyon at baka mapagalitan ka pa ng tito mo. Ayaw niya pa naman ng nasa labas kapag ka." Pumasok siya at para bang mayroon siyang inaayos sa loob ng sasakyan. Lumapit pa ako sa kanya, mukha naman kasi siyang mabait at nasa mood makipag usap. "Ano po ang ginagawa niyo? Pwede bang malaman?" tanong ko ng pag lapit ko ng sasakyan. "Sira kasi yung dashcam ko kanina kaya pinapalitan ko na. Parati kong chini check ang sasakyan kung may sira man o kahit na anong problema. Kanina kasi pag uwi ko, may nakita akong mga nag banggan na motor at

