STELLA POV "Nasa bahay po nila. Stay in po ako dito sa bahay ng amo ko. Yung nakausap niyo po kanina, siya ang amo ko. Nagulat nga ako ng makipag usap siya sayo." "Ah oo nga naalala ko na. Maski nga ako ay nagulat sa nangyari. Ilang taon na ang amo mo ha?" "Sa pagkaka tanda ko po ay nasa 35 years old na po siya. Pero sa kabila ng edad niya, masasabi ki na mayroon po siyang hitsura. Sa katunayan, gwapo nga po siya at masasabi kong malakas din ang dating niya." "Nako Stella, baka ma in love ka sa amo mo ha? Tandaan mo, ikakasal na kayo ni Joel. Napaka seloso pa naman ng anak ko. Baka nga kung malaman niya ang tungkol dito ay hindi ka pa niya payagan na lumuwas ng Manila." "Grabe naman po tita. Sa paningin ko ay si Joel lang ang pinaka pogi sa lahat. Trabaho po ang pinunta ko dito para m

