STELLA POV Hinawakan niya ako bigla sa aking hita. Nabahala ako at nagsalita kaagad sa kanya. Hanggang sa mga sandaling ito, hindi ako makapaniwala na wala na ang iniingat ingatan kong dangal. "Please po, masakit na talaga, hindi ko pa ko kaya pa-" "Relax ok? Wag kang mag alala dahil alam kong masakit pa yan. Ipahinga mo muna para sa susunod ay maging ready ka na ulit. Mabuti pa kung kumain ka muna para mayroong laman ang tiyan mo. Naghanda ako ng mga masasarap na pagkain para sayo. Kung may iba ka pang gusto, magsabi ka na. Lahat ng mga pagkain na pinapangarap mong kainin noon ay ihahain ko sayo basta wag kang mahihiyang magsabi." Wala naman akong naisip na pagkain na gusto kong kainin. Grabe yung trato niya, para talaga niya akong isang prinsesa. Kaya din siguro matindi ang galit ng

