STELLA POV Halata sa matandang ito na natatakot siya sa boss namin kaya siya umalis kaagad. Sinarado ni Mr. Simon ang pintuan at kaming dalawa na lang ang nandito. Ngayon, habang nagkakatitigan kaming dalawa, nakangiti man siya pero iba na ang tingin ko sa kanya. Para bang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Kampante siguro siya na mananatili ang sikreto niyang ito habang buhay. Pero kaylangan ko ng tulong niya sa ngayon, siya lang ang makakatulong sa kalagayan ni Joel. Sana ay makurot ko ang kanyang puso at makatulong pa siya. Nakangiti siya, malamang ay nasa good mood siya para kausapin ko tungkol sa bagay na ito. Lumapit pa siya at bigla akong hinalikan ng saglit sa aking labi at nagulat na lang ako ng inamoy amoy niya ang leeg ko. "Ang bango mo Stella! Ganito ang gusto ko parati k

