STELLA POV Pero naisip ko, masarap din mang asar sa kanila, lalo na sa Mylene na ito. Gagalitin ko siya kasi ang sakit ng mga salitang binitawan niya kanina sa akin kasama yung isa pang matanda. Parehas silang walang mga modo at walang pinag aralan at dapat ko silang turuan ng leksyon. Hindi pa ako gutom ngunit natatakam ako sa mga prutas na nakalagay sa lamesa lalo na yung apple at grapes. Bihira akong makatikim ng mga ganitong pagkain sa probinsya kasi madalas na manggang sinawsaw sa bagoong ang pagkain namin doon, alatiris, saging, at mais kasi ang mga ito ang madalas na madaling pitasin. Ganun din ang bayabas at papaya. "Miss Mylene, baka po pwede niyo ang dalhan ng mga prutas doon sa kwarto ko sa taas, apple, grapes, papaya, at tsaka yung iba pa. Gusto ko pong kumain ng maraming p

