STELLA POV Binaba ko na ang mga tray na pinaglagyan ng mga pagkain ko. Wala akong pinansin sa kahit na sinong mga kasambahay na naging masama ang tingin sa akin. Bahala na sila sa mga buhay nila. Hindi rin naman ako mag tatagal sa lugar na ito kaya bakit ko pa sila maiisipan na pakisamahan. Bakit pa ako mag papanggap na Isa akong mabait na tao sa paningin nila kung harap harapan nila akong sinisiraan. Sa sakit ng mga sinasabi nilang mga salita, hindi ko alam kung makakalimutan ko ang mga ito. Umalis na kami ni kuya Jobert. Sa likod ng sasakyan ako sumakay dahil dito ko mas gusto. Tahimik lang ako ngayon, alam naman niya kung saan kami pupunta kaya wala na akong sasabihin pa. Mas maigi na rin yung ganito na lumalabas ako dahil hindi ko gusto manatili doon. "Parang ang tahimik mo yata ha

