STELLA POV "Tara na Mylene, marami pa tayong mga kailangang gawin! Iwan na natin ang pagkain ng kutong lupang babae na yun!" Umalis sila pagkatapos nila akong pag chismisan. Alam naman siguro nila na nandito ako sa cr pero mas pinili pa rin nla na pag usapan ako. Ang tatalim ng mga dila nila, akala mo ay wala silang kapintasan sa kanilang mga katawan. Parehas naman silang mga matatanda at malamang ay laylay na yung dede nila at amoy cabinet na sila lalo kapag hindi sila naligo. Lumabas ako at mabilis akong nag lock ng pintuan. Nag bihis ako ng damit ko at shorts at kumain sa table. May pa kape pa na mainit, ang sarap sana nito pero masyadong matamis. Mas gusto ko kasi ang black coffee sa probinsya o kaya ay 3 in one na kape kasi dito nawawala yung antok ko. Subalit ayos na rin siguro it

