STELLA POV Gabi rin ng araw na ito, unti unting nagsipag alisan ang mga tao dito sa event at ako, naka tatlong baso na ako ng wine na iniinom ko. Nasarapan kasi ako sa lasa nito, talagang nilubos ko ang pag inom. Mahilig kasi ako sa matatamis na inumin at ito na siguro ang masasabi kong tatalo sa lambanog na iniinom ko sa probinsya. Kaya nakarami ako ng inom. Yun nga lang, nakakaramdam ako ng hilo at sakit ng ulo. Pabalik na sana ako sa kwarto subalit nawalan ako ng balanse at matutumba na sana. Subalit nagulat na lang ako ng mayroong biglang sumalo sa akin. Pag tingin ko ay nakita ko si Mr. Simon na nakangiti pa. Muli niya akong hinawakan sa pisngi ko. "Mukhang naparami ka ng inom mo Stella, hayaan mong ihatid kitang muli sa kwarto," sambit ni Mr. Simon. Sa tindi ng hilo ko ay napasan

