STELLA POV Napating yung kasama ng matandang babae sa akin na tila ay mayroong gustong sabihin. Hindi ko talaga ang gusto pang mamata niya sa akin. "Excuse me, where are you studying Stella?" Nagulantang ako sa tanong niya. Hirap na nga akong intindihin ang sinabi ng kasama niyang babae tapos tatanuningin niya pa ako. Bukod sa hirap ako sa Ingles, ayaw ko rin na mag sinungaling sa kanya. Natahimik ako ng ilang sandali hanggang sa nagsalita na si Mr. Simon. "Sa Japan siya nag aral at Japanese ang name ng school niya. Please excuse us, ipapakilala ko pa si Stella sa ibang mga bisita," saad ni Mr. Simon. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti at sinalo ako ni Mr. Simon, pero hindi pa pala dito natatapos ang kalbaryo ko. Sunod sunod niya akong pinakilala sa iba pang mga bisita rito at ang na

