STELLA POV
Nahihiya man ako pero nandito naman ang tita ko na. Sa tulong na rin ng driver na sumama sa amin, pumunta kami sa pinaka dulong silid.
Kumatok ang driver at ilang saglit pa ang lumipas ay nagbukas ang pintuan. Paglingat ko sa nagbukas, nakita ko Ang isang lalaki na malaki artista sa gwapo at kakisigan ng katawan. Sa tangkad niya ay tila hanggang balikat lamang ako.
Halos mahulog ang aking panga ng makita ang lalaking ito na mala machete ang katawan. Kung may lalaki man ako na masasabi ko na perfect, marahil ay ito na yatang lalaking nakatayo sa aming harapan.
Matangos ang ilong, mapukaw na asul na mga mata, bumagay ang balbas sa kanyang mukha at ang ganda ng hugis ng kanyang mga labi kahit na para bang mayroon na siyang edad. Higit sa lahat, ang buhok mula sa kanyang dibdib papunta sa kanyang puson ang mas lalo pang nagpalakas ng kanyang appeal.
Ang akala ko nga ay ako lamang ang naguguwapuhan sa lalaking nasa harapan ko. Maging si tita Belen pala ay nahuhimaling sa hitsura ng lalaking ito.
"Mr. Simon, nandito na po ang pamangkin kong si Stella. Siya po ang sinasabi ko sa inyo sa chat!"
Hinawakan ako sa balikat ni tita at bumulong siya.
"Stella, ngumiti ka sa kanya, boss mo yan!"
Mabilis naman akong ngumiti kay Mr. Simon. Naging pigil na pigil pa nga ang kilig ko. Hindi ako dapat na maging ganito dahil mayroon na akong asawa. Hindi man kasing gwapo ni Joel ang lalaking ito pero siya naman ang mahal ko at ang dahilan kung bakit ako lumuwas dito sa Manila.
"Ikinagagalak ko po kayong Mr. Simon, ako po si Stella, maraming salamat po sa pag tanggap niyo dito sa akin," nakangiti ko pang sambit sa kanya.
Ang lalim ng tingin niya. Mula ulo hanggang paa ay tinitingnan niya ako. Kinakabahan ako kasi tila ay mayroong ibang kahulugana ng mga titig niya. Napahawak ako sa suot kong dress. Napapa isip ako kung ako ba ang ibig sabihin ng mga titig niyang ito. Ano ba ang tumatakbo sa kanyang isipan sa mga sandaling ito?
"Halika! Lumapit ka sa akin!" Sambit niya, ang lamig ng boses niya, tila ay niyakap ako ng lamig nito.
Kusa nang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa kanya. Ngumiti siya sa akin at mas lumakas pa ang bango nanggagaling mismo sa kanyang katawan.
Sa tangkad niya ay napatingala talaga ako ng todo! Ilang saglit pa ang lumipas, naramdaman ko na lang ang pag haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi. Ang lamig ng kamay niya, may kakaiba akong naramdaman nang dumampi ito sa aking pisngi. Para bang nakuryente akong bigla at kumabog pa ang puso ko.
"Napakagandang babae mo pala sa personal. Maraming sinend ang tita mong larawan mo sa chat naming dalawa. Kaya nang makita kita, masasabi ko na ikaw na ang babaeng hinahanap ko."
Ang sweet ng pagsasalita niya. Para niya akong binobola pero nabibilog niya ang ulo ko. Subalit may agam agam ako sa aking isipan. Wala naman akong nakikitang mali sa pagse send ni tita ng mga picture ko kung kaylangan itong makita ni Sir Simon pero sana man lang ay nagawa niyang magpaalam sa akin.
"Opo sir, masipag po akong babae. Marunong po ako maglaba, mag luto, maglinis ng bahay."
Nanatili yung matamis niyang ngiti sa akin.
"Mabuti kung ganun. Ang mabuti pa ay pumasok ka na muna dito sa loob. Maupo ka at mayroon pa tayong pag uusapan."
Lumingon ako kaagad kay tita matapos magsalita ni Mr. Simon.
"Sige na Stella, hinatid lang naman kita dito. Iiwan ko na ang gamit mo sa driver ha? Wag kang mag alala, dadalaw din ako dito sayo paminsan minsan. Si Mr. Simon na ang bahala sayo."
Nalungkot ako ng labis sa sinabi ni tita. Pero wala na akong magagawa, pumasok ako sa loob ng magarang kwarto niya na parang kasing laki na ng buong bahay namin sa probinsya. Ang bango rito at ang linis tingnan.
Muli akong lumingon sa pintuan kung saan ko na nag uusap ng masinsinan sila tita at Mr. Simon. Pero ang labis kong ikinagulat ay ang pag aabot ng pera ni Mr. Simon kay tita na labis ang pag ngiti sa kanyang labi. Hindi ko masyadong marinig ang mga mahihina nilang mga boses. Tila ay masinsinan ang kanilang usapan.
Naguguluhan ako sa nakita ko. Mabilis na isinilid ni tita ang pera sa kanyang bag at umalis ng may ngiti sa kanyang labi. Sinarado na ni Mr. Simon ang pintuan at humarap sa akin. Ngayon na kaming dalawa na lang, para bang mayroong nag iba sa paligid. Nabalot ito ng tension at init. Hindi sinasadya, napatingin ako sa kanya at nakita ko na mayroong umbok sa kanyang twalya. At habang papalapit siya ay dito lamang ako nakatingin. Mas nagiging malinaw ito sa bawat lapit niya.
Napalunok ako sa kaba. Ang laki nito at ang haba. Nahuli niya ako na nakitingin sa pagitan ng kanyang pantalon at napangiti lang siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko sapagkat takaw atensyon ang umbok sa twalya niya.
Lumapit siya at muli niyang hinaplos ang pisngi ko. Gusto ko siyang pigilan pero natatakot ako sa kung ano ang pwede niyang gawin. Mukha naman siyang mabait pero sadyang hindi lang ako sanay na mayroong ibang tao na humahawak sa pisngi ko. Maging si Joel nga na boyfriend ko ay hindi ito ginawa sa loob ng ilang taon naming relasyon.
"Gustong gusto ko ng kutis mo Stella. Ganito ang mga tipo ko sa mga babae. At ngayon na nandito ka na, pinapangako ko sayo na giginhawa na ang buhay mo."
Napakagaling niyang magsalita. Nagagawa talaga niya akong paikutin sa mga sinasabi niya.
"Maraming salamat po sa inyo Mr. Simon, magiging malaki po ang tulong nito sa boyfriend kong na comatose sa hospital. Malaki po kasi ang gagastusin sa operasyon niya kaya naman napilitan na akong lumapit sa tita ko para manghingi ng tulong at sa wakas po ay nabigyan din ako ng oportunidad upang makapag trabaho dito sa Manila bilang isang kasambahay."