STELLA POV "Kaarawan ko na ngayong araw. At hindi pa man nagsisimula ang celebration ko subalit natanggap ko na kaagad ang pinakamagandang regalo," sambit niya habang haplos niya pa rin ang aking pisngi. Ang sarap naman namnamin ng mga sinabi niya. Napangiti lang ako subalit nagulat ako ng halikan niya ako sa aking noo at binigyan ako ng matamis na ngisi sa kanyang labi. Tila ay mayroong kakaiba sa nangyayari. Napapa isip tuloy ako kung ano nga ba talaga ako sa bahay na ito. "Babalik ako dito mamaya, enjoy yourself here. Mayroon lang akong mga aasikasuhin." Nagbihis pa siya sa harapan ko pero nakayuko lamang ako. Nakaka ilang na tila ay wala siyang pakialam na sa harapan ko pa siya nagbihis. Bago ko pinaalis si Mr. Simon ay mayroon akong katanungan sa kanya. "Saglit po? Gusto ko sanan

