STELLA POV Napangiti ako kasabay ng pag kalam ng sikmura ko. Oo, masarap ang mga pagkain sa mansyon ni Sir Simon pero iba pa rin talaga ang mga healthy na pagkain dito sa probinsya. "Nako tita, nami miss ko na nga po kaagad ang mga pagkain dito sa ating probinsya. Masasarap naman po ang mga pagkain doon sa mansyon ng amo ko pero iba pa rin talaga ang pagkain dito sa atin. Wala nga akong masyadong kilalang mga pagkain doon eh, puro pang ibang mga bansa daw ang madalas na kinakain," sambit ko pa. "Okay yan Stella, siguro akong mapaparami ka ng kain mo." "Kaya nga po tita, tara kain na tayo." "Sa isang plato na tayo kumain Stella," saad ni Joel. Wala naman akong naging reklamo sa sinasabi niyang ito. Minsan na rin namin itong ginawa dati kaya nakaka miss lang din. Naging tahimik kami

