SIMON POV Walang nagsalita sa kanila kahit na Isa. Lahat sila ay nakayuko at nanginginig ang mga katawan nila sa takot. Wala akong nararamdaman na awa sa kanila at hindi ko gusto ang pananahimik nila. Tumayo na ako at sumigaw. "ANO HA? WALA BA KAHIT NA ISA SA INYO ANG MAGSASALITA HA? ANG DAMI DAMI NIYO PERO IISANG BABAE AY HINDI NIYO MAN LANG NAKITA!" Ngayon lang ako nanigaw ng ganito ulit. Ang huling beses na ginawa ko ito ay noong nagtatalo pa kami ng asawa ko. Sumakit pa nga ang lalamunan ko sa aking kakasigaw. "Ah talagang ayaw niyong magsalita ha? Gusto niyo talagang matanggap kayong lahat?" "Sir sorry po... ako po... nakita ko kanina na Stella na lumabas ng gate at sumakay po sa sasakyan niyo. Saglit ko lang po siyang nakita noong nag lilinis po ako sa garden niyo. Pasensya

