Hindi mawala ang ngisi ko sa kanila habang nakahawak parin sa akin si Kill paano ba naman kasi ang sarap kasi talaga nilang asarin. Tinignan ko sina Kite na nakatingin din sa pekeng ama ko na parang gusto nilang tumawa na iwan habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Alam ko namang sagaran ang galit niya sa akin kaya ganyan nalang makatingin, wala siyang magagawa kung ako ang pinili ni Kill lalo pa at mas nauna akung minahal at nakilala ni Kill kaysa sa kanya at hindi naman sa nagmamalaki ako pero alam kung mas mahal ako ni Kill lalo pa at nasanay si Kill na walang pamilya. “Salot ka talaga Celine!” malakas na sigaw nito at akmang hahawakan ako ng mabilis itong sinalag ni Kill at tinabig ang kanyang kamay. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa ni Kill pero kaagad itong nawala ng bigla nalang na

