Hindi ko alam kung magagalit ba ako o sisigaw o tatawa dahil sa ingay at gulo nila dito sa hotel na akala mo wala silang mga pera kung makisiksik dito sa tinutuluyan ko. Nandito sina Kill kasama sina Kite at tatlong araw na ang lumipas simula ng mangyari sa court at sa loob ng tatlong araw wala akung naramdaman kundi saya na lalong pumuno sa puso ko at pagpapatawad lang pala ang tuluyang magpapalaya sa puso ko. Sino ba naman ako para huwag silang tanggapin kung buong puso naman silang humihingi sa akin ng tawad. Naging parte na sila ng buhay ko at higit sa lahat minahal ko sila kaya siguro pinatawad ko din sila after all para naman kay Kill ang ginawa nila sa akin kaya okay na ako doon. Ang problema nalang ay ang ama ni Kill na naging ama ko din at ang kapatid kuna wala na akung balita n

