Habang nakayakap ako sa ama ko hindi ko maiwasang mapaluha ng mapaluha dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon dahil buong akala ko hindi niya tanggap ang nakaraan ko kung saan minahal ko ang anak ng kalaban niya at kayang-kaya kung ibigay ang buhay ko para sa kanya. Sobrang lalim naman kasi talaga ng pagmamahal ko sa kanya to the point na nagawa ko siyang patawarin sa lahat-lahat. Paano ba naman kasi ang rupok-rupok ko pagdating sa kanya. “Alam kung mahal na mahal mo si Kill at ayaw kung maging hadlang sa kasiyahan mo at kung pwede lang na baguhin ang lahat-lahat para maging maayos ang situation niyong dalawa gagawin ko para sayo anak,” dahan-dahan itong humiwalay sa yakap ko at tinignan ako deritso sa mga mata ko. “Alam ko na sobrang mahal na mahal mo siya ta hindi mo palang ako naki

