Chapter 65

1262 Words

Chapter 66 Samantha’s POV Hindi na muna ako nagpakita kay Eli. Hindi dahil galit ako. Hindi dahil nagsawa ako. Kundi dahil alam kong kapag nagpakita pa ako, babalik ako sa kanya. At hindi ko kayang sirain muli ang desisyong pinili kong pasanin mag-isa. Tahimik akong naghanap ng bagong apartment malayo sa dati kong tinutuluyan, malayo sa mga lugar na alam niyang pinupuntahan ko. Ayokong may bakas na maiiwan. Ayokong may tsansang magkita kami nang hindi handa ang puso ko. Isang maliit na unit lang. Isang silid, isang bintana, at katahimikan. Sapat na para sa isang taong gustong matutong huminga ulit. “Okay na ‘to,” sabi ko sa sarili ko habang pinipirmahan ang kontrata. Nanginginig ang kamay ko, pero pinilit kong ngumiti sa ahente. Hindi niya alam na bawat pirma ko ay parang hiwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD