Samantha’s POV Nagpatuloy kaming tatlo papunta sa tailor ng gown. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa paligid sa ingay ng mga sasakyan, sa init ng araw, sa yabag ng mga paa namin kahit alam kong may isang presensyang hindi ko kayang takasan. Sumunod si Eli sa likod ko. Ramdam ko siya kahit hindi ko siya tinitingnan. Parang bawat hakbang ko, kasabay ng t***k ng dibdib ko. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang katahimikan niya para guluhin ang mundo ko. Gusto kong huminto. Gusto kong lumingon at itanong kung kamusta na siya kung masaya na ba siya ngayon, kung nakalimot na ba talaga. Pero mas pinili kong maglakad. Dahil kahit gaano kasakit aminin, alam kong sa sandaling tumingin ako pabalik, baka hindi na ako muling makaalis. Pagdating namin sa tailor ng gown, sinalubong agad k

