Chapter 73 Samantha’s POV “Ikaw… kamusta ka na, Eli?” tanong ko sa kanya, pilit pinananatiling steady ang boses ko kahit ramdam kong may kumikirot sa dibdib ko. Sandali siyang natigilan. Parang may hinahanap siyang salita na hindi agad makita. Ngumiti siya hindi yung ngiting basta-basta, kundi yung ngiting may pinagdadaanan. “Okay naman,” sagot niya sa wakas. “Mas naging tahimik lang ang mga araw. Mas natutong maghintay.” May bigat ang bawat pantig. Alam kong hindi lang iyon simpleng sagot. May ibig siyang sabihin, pero bago ko pa maunawaan nang buo, biglang bumukas ang pinto ng shop. Tumunog ang maliit na kampanilya sa itaas isang maikling tunog na tila pumunit sa sandaling iyon. “Eli?” Napalingon kaming lahat. Isang babae ang pumasok. Matangkad, maayos ang postura, at halatang s

