Chapter 39 Samantha’s Pov Lumipas ang isang linggo, at ang bawat araw ay puno ng labanan at pag-iingat. Ngayon, Linggo na naman. Kagigising ko lang. Punong-puno ako ng pag-asa na sana ay pirmahan na ni Lorenzo ang annulment papers namin, at matapos na ang laban namin. Habang nakaupo ako sa sala at nagsisimulang magkape, biglang nag-pop sa phone ko ang isang reminder: "Birthday." "Ay, oo nga pala!" Naalala ko, ngayon pala ang birthday ng inaanak ko, ang anak ni Kristine. Kinakailangan kong kausapin si Kristine tungkol sa plano. Kinuha ko ang phone at hinanap ang contact number ni Kristine. Tinawagan ko agad siya. Nag-ring ang phone ng ilang sandali. "Hello, Kristine! Good morning!" Masigla kong bati. "Samantha! Kamusta ka, friend? Long time no talk! Ano ang maipaglilingkod ko sayo?

