Chapter 41 Eli’s Pov Nakatayo ako sa labas ng village ni Samantha, nakatingin sa madilim na gate na hindi niya binuksan. Ang sagot ng guard na hindi siya umuwi ay tumusok sa dibdib ko na parang sundang. Hindi siya umuwi. Saan siya nagpunta? Bakit siya nagmamaneho mag-isa nang umiiyak sa gitna ng gabi? Sumakay ako ulit sa motor ko. Pinaharurot ko ang makina, ang tunog ay umaalingawngaw sa katahimikan ng gabi na dapat sana ay masayang pagdiriwang. "Samantha, saan ka ba nagpunta?! Sabihin mo sa akin! Huwag mo akong iwan na nag-iisa na nag-iisip!" Bulong ko sa loob ng helmet ko, ang boses ko ay parang nagdarasal. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin ngayon. Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Alam kong nalaman niya ang totoong koneksyon namin. Nalaman niyang ako ang anak ni Momm

