Chapter 41 Samantha’s Pov *Nang makita ko si Eli sa bahay ni Kristine, na-freeze ako. Ang ngiti niya, ang kislap sa mata niya at ang pagtawag ni Kristine sa kanya ng "Anak." Ang mga detalye ang motor, ang birthday lahat ay biglang nagkabit-kabit. Siya si Eli. Siya ang anak ni Kristine. Siya ang inaanak ko. Ang kasiyahan na dapat kong maramdaman ay napalitan ng matinding pagkalumo at pagkabalisa. Hindi ko matanggap ang katotohanan na ang binatang minamahal ko ay iisa sa anak ng kaibigan. Kailangan kong umalis agad. Ang pressure sa dibdib ko ay nakasasakal. "Kristine." sabi ko, pilit na pinakalma ang tinig ko. Humarap ako sa kanya, walang makitang bakas ng gulat sa mukha ko. "Salamat sa pag-imbita sa akin. Sobrang na-enjoy ko ang hapunan at ang company ninyo," Mabilis at pilit akong n

