Chapter 36 Samantha’s Pov Nagising ako sa tunog ng alarm ko, hindi, sa tunog ng phone ko! Patay, lagot! May lakad pala kami ngayon nila Grace at Ivy! Nakalimutan ko dahil sa kaganapan kagabi. Dali-dali akong bumangon mula sa kama. Ang kama na nagdala ng katotohanan kagabi. Kinuha ko ang tuwalya at saka pumasok sa banyo. Habang naliligo, pilit kong inalis ang bango at presensya ni Eli sa akin. Kailangan kong magmukhang fresh at hindi stress. Nang matapos na akong maligo, dali-dali akong pumunta sa walk-in closet. Kailangan ko ng damit na magtatago sa totoong pakiramdam ko isang armour. Pumili ako ng isang classic na A-line dress na kulay emerald green, elegante at professional. Pagkatapos kong pumili, nag-ayos ako at nag-make-up. Hindi heavy, pero sapat para maging magandang tingnan at

